Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Fast Food Para sa mga Insekto

Fast Food Para sa mga Insekto

Fast Food Para sa mga Insekto

● Gustung-gusto ng mga insekto ang mga pagkaing madaling makuha at mataas sa kalori. Iyan mismo ang iniaalok ng mga bulaklak. Gaya ng mga fast-food na kainan, matitingkad na kulay ang pang-engganyo ng mga bulaklak. Kapag naengganyo ang mga insekto, dumadapo sila sa mga bulaklak, at pagpipiyestahan nila ang polen o nektar doon.

Karaniwan nang mabagal kumilos ang mga insekto pagkatapos ng isang malamig na gabi. Kaya kailangan ng mga nilalang na ito ng sinag ng araw para magkaroon ng enerhiya. Buti na lang, maraming bulaklak ang nag-aalok, hindi lamang ng masustansiyang pagkain, kundi pati na ng lugar na nasisinagan ng araw. Tingnan natin ang isang halimbawa.

Ang oxeye daisy ay isang pangkaraniwang bulaklak sa maraming lugar sa Europa at Hilagang Amerika. Mukha ngang pangkaraniwan lang ito, pero kung pagmamasdan mong mabuti, marami kang mapapansin. Ang daisy na ito ay isang napakagandang lugar para sa mga insekto tuwing umaga. Tumatama sa puting talulot ang init ng araw, at ang dilaw na gitna nito ay nagsisilbing magandang pahingahan para sa mga insektong kumukuha ng enerhiya mula sa araw. *

Sulit ang pagdapo sa daisy, kasi ang gitna nito ay punô ng polen at nektar​—pagkaing masustansiya para sa mga insekto. O, ’di ba? May masarap na almusal na, nakapag-sun-bathing pa!

Kaya naman maraming insekto ang dumarayo sa oxeye daisy sa maghapon. Nariyan ang mga beetle, makukulay na paruparo, shield bug, kuliglig, at iba’t ibang uri ng langaw. Siyempre, kung hindi ka mapagmasid, hindi mo mapapansin ang kamangha-manghang “fast-food” na kainan na ito ng mga insekto.

Kaya sa susunod na makakita ka ng daisy, bakit hindi mo subukang pagmasdan ang mga nangyayari sa bulaklak nito? Siguradong lalo mong mapapahalagahan ang Maylalang na nagdisenyo sa lahat ng ito.

[Talababa]

^ par. 4 Natuklasan ng mga siyentipiko na mas mainit ang temperatura sa mismong ibabaw ng ilang bulaklak kaysa sa temperatura ng kapaligiran.