Ibinigay ni Jesus ang Kaniyang Buhay Para sa Marami
Ibinigay ni Jesus ang Kaniyang Buhay Para sa Marami
Sinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga tagasunod na pumarito siya sa lupa “hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang kaniyang kaluluwa bilang pantubos na kapalit ng marami.” (Mateo 20:28) Kusang-loob niyang ibinigay ang kaniyang buhay para sa kapakinabangan ng iba.
Paano nakapaglaan ng pantubos si Jesus sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan? Bakit ito kailangan? Para kanino inialay ni Jesus ang kaniyang buhay? At ano ang magagawa para sa iyo ng kaniyang kamatayan?
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na makasama nila upang suriin ang kasagutan ng Bibliya sa mga tanong na ito. Sa taóng ito, ang anibersaryo ng kamatayan ni Jesus ay tatapat ng Martes, Marso 30, pagkalubog ng araw. Sa okasyong iyan, ihaharap ang sagot ng Kasulatan sa mga tanong sa itaas.
Maaari kang dumalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa inyong tahanan. Pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at lugar ng pagtitipon.