Ang Bibliya—Kung Bakit Kailangan Mong Malaman ang Mensahe Nito
Ang Bibliya—Kung Bakit Kailangan Mong Malaman ang Mensahe Nito
● Ang Bibliya ang pinakamalawak na naipamahaging aklat sa buong kasaysayan, at pinahahalagahan ito ng marami. Sa aklat na ito nanunumpa ang mga tao sa harap ng hukuman habang ipinapatong dito ang kanilang kamay, at ganiyan din ang ginagawa ng mga nananata sa kanilang tungkulin. Ang pagkuha ng kaalaman mula sa Bibliya ang pinakamahalagang edukasyon na maaaring taglayin ninuman.
Sasang-ayon ang marami na magiging mas maganda ang kalagayan ng daigdig kung mas maraming tao ang magbabasa ng Bibliya at mamumuhay ayon sa sinasabi nito. Tutulong sa iyo ang brosyur na Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? na malaman ang itinuturo ng Bibliya. Ang brosyur ay may 32 pahina at magagandang larawan. Ipinakikita sa unang dalawang seksiyon nito kung paano naglaan ang Maylalang ng isang paraiso para sa mga tao at kung paano ito naiwala. Ipinakikilala naman sa sumunod na mga seksiyon ang angkan na pinagmulan ng Tagapamahalang pinili ng Diyos para sa kaniyang Kaharian—ang gobyernong magsasauli ng Paraiso sa lupa.
Inilalarawan naman sa sumusunod pang mga seksiyon ang buhay, ministeryo, himala, kamatayan, at pagkabuhay-muli ng hinirang ng Diyos na Tagapamahala, si Jesu-Kristo. Sa susunod na apat na seksiyon, mababasa ang maikli ngunit kapana-panabik na mga ulat tungkol sa ministeryo, pananampalataya sa ilalim ng pagsubok, at kinasihang liham ng unang-siglong mga tagasunod ni Jesus. Masisiyahan ka sa seksiyong “Naibalik na Paraiso!” at sa makulay na panghuling pahina nito na pinamagatang “Ang Buod ng Mensahe ng Bibliya.”
Kung nais mong humiling ng isang kopya ng brosyur na ito, punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.