Tulong Para sa Problemadong Kabataan
Tulong Para sa Problemadong Kabataan
NAPANSIN ni Sibia, 13-taóng-gulang na estudyante sa Mexico, ang isang kaklase na laging pumapasok sa paaralan nang umiiyak. Sinikap niyang patahanin ito. Isang araw, ipinagtapat ng kaklase ni Sibia na ang kaniyang tatay ay alkoholiko at binubugbog nito ang kaniyang nanay.
Ikinuwento ni Sibia: “Sinabi po niya sa akin na ayaw na niyang mabuhay, na tinangka pa nga niyang magpakamatay. Sinabi niyang walang nagmamahal sa kaniya at pakiramdam niya ay nag-iisa siya. Binanggit ko sa kaniya na may Isa na lubos na nagmamahal sa kaniya, ang pinakamahalagang Persona sa buong uniberso. Saka ko ipinaliwanag ang layunin ni Jehova para sa mga tao.”
Pagkaraan, binigyan ni Sibia ang kaniyang kaklase ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas at pinag-aralan nila iyon araw-araw tuwing rises sa paaralan. Unti-unting nagbago ang tahimik na bata at nagsimulang makipag-usap at makipagtawanan sa iba. Sa kaniyang sulat kay Sibia, sinabi ng dalagita: “Salamat sa iyong pakikipagkaibigan at pang-unawa. Isang tulad mo ang pinangarap kong maging kapatid. Alam ko na ngayon na may nagmamalasakit sa akin—si Jehova.”
Baka may kakilala kang kabataan na makikinabang sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan. Kabilang sa 39 na kabanata nito ay: “Papaano Ako Magkakaroon ng Tunay na mga Kaibigan?,” “Tama Kaya ang Pakikipagtalik Muna Bago ang Kasal?,” at “Papaano Ko Malalaman Kung Ito Nga’y Tunay na Pag-ibig?” Maaari kang humiling ng kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nasa ibaba o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.