Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Kabang-Yaman ng Praktikal na mga Aral”

“Kabang-Yaman ng Praktikal na mga Aral”

“Kabang-Yaman ng Praktikal na mga Aral”

● “Gusto naming magpasalamat sa maraming artikulong isinulat ninyo para sa kagaya naming may maliliit pang anak,” ang isinulat ng isang mag-asawang taga-New Hampshire, E.U.A. “Apat na taon na ang aming anak na babaing si Sophia. Nadama naming may nagtuturo at tumutulong sa aming maikintal sa kaniya ang mahahalagang katotohanan sa murang edad niya.”

Ang sabi pa sa sulat: “Ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro ay isang kabang-yaman ng praktikal na mga aral para sa aming anak, pati na rin sa amin. Ang mga larawan sa pinakahuling kabanata ang pinakamagandang larawan ng Paraiso na nakita namin! Paulit-ulit itong tinitingnan ng aming anak at nakakatulong iyon para matandaan niya ang mga pangako ng Bibliya.”

Sa huling kabanata ng Matuto Mula sa Dakilang Guro na may pamagat na “Mapayapang Bagong Sanlibutan ng Diyos​—Maaari Kang Manirahan Doon,” maganda ang pagkakalarawan sa mga pangako ng Diyos na mababasa sa kaniyang Salita, ang Bibliya.

Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito na may 256 na pahinang sinlaki ng magasing ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.

□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.

[Larawan sa pahina 32]

Makikita ang larawan sa pahina 254 ng aklat