Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Ano ang Kulang sa Larawang Ito?

Basahin ang Marcos 1:9-11. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-ano ang kulang sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Para mabuo ang larawan, kulayan ito at iguhit ang nawawalang mga bahagi.

1. ․․․․․

2. ․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Ano ang ilang dahilan kung bakit nagpapabautismo ang mga Kristiyano?

CLUE: Basahin ang Marcos 8:34; 1 Pedro 2:21; 3:21.

Sa tingin mo, sa anong edad ka dapat magpabautismo? Bakit?

KILALA MO BA ANG APOSTOL NA SI HUDAS ISCARIOTE?

3. Ano ang pantanging pribilehiyo ni Hudas na hindi naranasan ng iba pang apostol?

CLUE: Basahin ang Juan 13:29.

․․․․․

4. Natukso si Hudas na gawin ang ano?

CLUE: Basahin ang Juan 12:6.

․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Sa palagay mo, bakit ginawa ni Hudas ang mga kasamaang iyon? Sa anong sitwasyon ka posibleng mapaharap sa gayong tukso? Ano ang matututuhan mo sa karanasan ni Hudas pagdating sa mabuting pagpapasiya?

MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

MULA SA ISYUNG ITO

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

PAHINA 4 Ano ang sapat na para sa bawat araw? Mateo 6:․․․

PAHINA 9 Ano ang ipinangako ng ating makalangit na Ama na hindi niya kailanman gagawin? Hebreo 13:․․․

PAHINA 10 Ano ang orihinal na layunin ng Diyos para sa isang lalaki? Marcos 10:․․․

PAHINA 29 Ano ang puwedeng maitulong ng mga nakatatandang babae sa mga nakababatang babae? Tito 2:․․․

● Nasa pahina 17 ang mga sagot

MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Juan na Tagapagbautismo.

2. Kalapati.

3. Tagapag-ingat siya ng kahon ng salapi.

4. Nakawin ang pera.