Paano Nagtuturo ng Bibliya ang mga Saksi ni Jehova?
Paano Nagtuturo ng Bibliya ang mga Saksi ni Jehova?
Nagtuturo sila ayon sa paksa, karaniwan na, gamit ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? Kabilang sa 19 na kabanata nito ang mga sumusunod:
“Ano ba ang Katotohanan Tungkol sa Diyos?”
“Sino si Jesu-Kristo?”
“Nasaan ang mga Patay?”
“Nabubuhay Na ba Tayo sa ‘mga Huling Araw’?”
“Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Pagdurusa?”
“Kung Paano Magiging Maligaya ang Iyong Buhay Pampamilya”
Hinihimok ang mga estudyante na magtanong at alamin ang sagot mula sa Bibliya. At batay sa natutuhan nila sa Bibliya, makapagpapasiya sila kung ano ang magiging relihiyon nila.
Maaari kang humiling ng pag-aaral sa Bibliya, pati na ng kopya ng aklat. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.