Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Sino ang May Ganitong Trabaho?

1. Sino ang dalawang mangingisda na anak ni Zebedeo at apostol ni Jesus?

Isulat ang iyong sagot sa patlang na nasa ibaba.

CLUE: Basahin ang Mateo 4:21, 22.

․․․․․

2. Ano ang pangalan ng dalawa pang apostol na mangingisda rin?

CLUE: Basahin ang Mateo 4:18.

․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Bakit sinabi ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay magiging “mga mangingisda ng mga tao.” (Mateo 4:19) Ano sa tingin mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng literal na pangingisda at pangingisda ng mga tao?

KILALA MO BA SI APOSTOL ANDRES?

3. Bago naging tagasunod ni Jesus, kaninong alagad si Andres?

CLUE: Basahin ang Marcos 1:4; Juan 1:35-40.

․․․․․

4. Kanino nakipag-usap si Andres tungkol kay Jesus, at ano ang resulta?

CLUE: Basahin ang Juan 1:40-42.

․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Bakit mabuting sabihin sa ating mga kamag-anak ang alam natin tungkol kay Jesus? Pero ano ang maaaring maging tugon ng ilan sa kanila?

CLUE: Basahin ang Mateo 10:32-37.

MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

MULA SA ISYUNG ITO

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

PAHINA 3 Ano ang nauunawaan ng isang taong matalino? Kawikaan 14:․․․

PAHINA 8 Ano ang personal na pangalan na ibinigay ng Diyos sa kaniyang sarili? Awit 83:․․․

PAHINA 20 Ano ang nangyari sa mga anghel na nagkasala? Judas:․․․

PAHINA 26 Ano ang idinudulot ng “pagpiga ng galit”? Kawikaan 30:․․․

● Nasa pahina 11 ang mga sagot

MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Santiago at Juan.

2. Pedro at Andres.

3. Juan na Tagapagbautismo.

4. Siya at ang kapatid niyang si Pedro ay naging alagad ni Jesus.