Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Repaso Para sa Pamilya

Tama ba ang Ginawa Niya?

Basahin ang Marcos 12:41-44. Ngayon, tingnan mo ang larawan, at isulat ang iyong sagot sa mga patlang na nasa ibaba.

1. Saan matatagpuan ang mga kabang-yaman?

CLUE: Basahin ang Marcos 12:35; 13:1.

․․․․․

2. Bakit pinuri ni Jesus ang balo kahit na maliit lang ang halagang iniabuloy niya?

CLUE: Basahin ang Marcos 12:28-30.

․․․․․

3. Bakit ka makatitiyak na nasapatan pa rin ang pangangailangan ng balo kahit ibinigay niya “ang kaniyang buong ikabubuhay”?

CLUE: Basahin ang Mateo 6:25, 31-33.

․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Sa tingin mo, tama kaya ang ginawa ng balo? Bakit ganoon ang sagot mo? Bakit mabuting ugaliin na magbigay nang sagana?

CLUE: Basahin ang Lucas 6:38; Gawa 20:35.

KILALA MO BA SI APOSTOL JUAN?

4. Itinuring ba ng mga relihiyosong lider si Juan na isang iskolar at mananalumpati?

CLUE: Basahin ang Gawa 4:13.

․․․․․

5. Anong malaking pribilehiyo ang ibinigay kay Juan?

CLUE: Basahin ang Apocalipsis 1:1-3.

․․․․․

PARA SA TALAKAYAN:

Ilang aklat ng Bibliya ang isinulat ni Juan? Paano mo matutularan si Juan?

MGA BATA, HANAPIN ANG LARAWAN

Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?

MULA SA ISYUNG ITO

Sagutin ang mga tanong na ito, at isulat ang nawawalang (mga) talata sa Bibliya.

PAHINA 9 May higit na kaligayahan sa paggawa ng ano? Gawa 20:․․․

PAHINA 9 Ano ang pagkakakilanlan ng mga alagad ni Jesus? Juan 13:․․․

PAHINA 21 Ano ang magagawa ng kapayapaan ng Diyos? Filipos 4:․․․

PAHINA 22 Kanino malapít si Jehova? Awit 34:․․․

● Nasa pahina 21 ang mga sagot

MGA SAGOT SA PAHINA 31

1. Sa templo.

2. Ibinigay niya sa Diyos ang kaniyang buong ikabubuhay.

3. Nangangako ang Diyos na aalagaan niya tayo kung uunahin natin ang pagsamba sa kaniya.

4. Hindi. Itinuring nila si Juan na walang pinag-aralan at pangkaraniwan.

5. Inatasan siya ng Diyos na isulat ang ilang aklat ng Bibliya, kasali na ang Apocalipsis.