May Nagdisenyo ba Nito?
Dila ng Hummingbird
● Sinusuri ng mga mananaliksik ang katiting na sampol ng dugo, DNA, at iba pang substansiya sa ibabaw ng isang salamin na mga kasinlaki ng iyong kamay. Gumagamit sila ng mga instrumentong panipsip o panghigop na makapaglilipat ng katiting na likido. Pero hindi ito gaanong mabisa. Mayroon kayang mas mahusay na pamamaraan? Ayon kay Dr. John Bush ng Massachusetts Institute of Technology, “nagawa na ito ng kalikasan.”
Pag-isipan ito: Hindi kailangang sipsipin ng hummingbird ang nektar. Sa halip, sinasamantala nito ang puwersa na nagpapangyari sa tubig na maging butil-butil kaya humihina ang hila rito ng grabidad. Dahil sa katangiang ito, kapag dumadampi ang dila ng hummingbird sa nektar, tumutupi ito at nagiging parang maliit na straw. At hinahayaan na lang nitong kusang umakyat at pumasok ang nektar sa “straw” deretso sa bibig. Kapag kumakain, napupuno ng nektar ang parang “straw” na dila ng hummingbird nang hanggang 20 beses sa isang segundo!
Hindi lang ang hummingbird ang nakapagtutupi ng dila na parang straw. Napansin din na ganito uminom ang mga shorebird. Ganito ang sinabi ng propesor na si Mark Denny ng Stanford University, sa California, E.U.A: “Kapag pinagsama-sama ang engineering, physics, at applied math, kahanga-hanga ang resulta . . . [Pero] kapag pinagdisenyo mo ang isang inhinyero at eksperto sa applied math ng tuka ng ibon na makakakuha ng tubig diretso sa bibig, malamang na hindi nila ito maisip.”
Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang maliit na dila ng hummingbird na mabilis at mahusay na nakakakuha ng nektar? O may nagdisenyo nito?
[Picture Credit Line sa pahina 23]
© Richard Mittleman/Gon2Foto/Alamy