‘Laganap ang Kawalan ng Tiwala’
‘Laganap ang Kawalan ng Tiwala’
Sa Kanlurang Aprika, isang 12-anyos na bata ang naospital—biktima ng pekeng gamot sa malarya na nabili ng nanay niya sa isang rehistradong botika. “Labing-limang taon na kaming nakakakita ng mga pekeng gamot,” ang sabi ng doktor sa isang ospital. *
Sa Asia, kinilabutan ang mga magulang ng isang bagong-silang na sanggol nang malaman nila na ang gatas pala ng anak nila na sinasabing mayaman sa sustansiya ay may mga sangkap na masama sa kalusugan. Ang masaklap, namatay ang bata.
Isang pinagkakatiwalaang Amerikanong negosyante ang nanggantso sa kaniyang mga kliyente ng bilyun-bilyong dolyar! Natuklasan na lang ng libu-libong tao na wala na ang pensiyon nila. Tinawag itong “ang pinakamalaking pandaraya sa siglong ito.”
SA NGAYON, halos lahat ay nakaranas na ng pandaraya. Kahit ang pagbagsak ng ekonomiya sa buong daigdig ay pangunahin nang resulta ng tinawag ng pahayagang Le Monde sa Pransiya na “laganap na kawalan ng tiwala.”
Anu-ano ang dahilan ng “kawalan ng tiwala” sa ngayon? May mapagkakatiwalaan ka pa ba?
[Talababa]
^ par. 2 Iniulat sa pahayagang Le Figaro, na inilathala sa Paris, Pransiya.