Natututo Rin Siya Kasabay Nila
Natututo Rin Siya Kasabay Nila
● Isang babae na mga 30 anyos, may asawa at tatlong anak at nakatira sa Kentucky, E.U.A., ang sumulat, “Natulungan ako at ang aking pamilya ng lahat ng natanggap naming publikasyon na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.” Sinabi niya: “Gustung-gusto ko para sa mga anak ko Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya.” Idinagdag pa niya, “Natututo rin ako kasabay nila.”
Ang aklat na ito ay may magagandang larawan at tumatalakay sa mga ulat ng Bibliya ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Halimbawa: Kabilang sa Bahagi 2 ang mga kuwentong “Masamang Hari na Nagpuno sa Ehipto,” “Ang Pagkaligtas ng Sanggol na si Moises,” “Kung Bakit Tumakas si Moises,” “Humarap kay Paraon Sina Moises at Aaron,” “Ang 10 Salot,” at “Pagtawid sa Dagat na Pula.”
Ang pamagat ng Bahagi 6 ay “Kapanganakan ni Jesus Hanggang sa Kamatayan Niya.” Mababasa rito ang maraming ulat tungkol sa buhay ni Jesus mula nang ipanganak siya hanggang sa mamatay siya. Kabilang dito ang “Isinilang si Jesus sa Kuwadra” at “Mga Lalaking Inakay ng Isang Bituin.” Ipinakikita ng huling nabanggit na kuwento na nang dalawin si Jesus ng mga “Pantas”—sa katunayan, mga astrologo—‘pumasok sila sa bahay,’ hindi sa kuwadra kung saan isinilang si Jesus. Sa bahay, “nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria.” Binabalaan ng Diyos ang mga lalaking ito na huwag bumalik kay Herodes, na gustong ipapatay si Jesus. Ano ang ipinakikita nito tungkol sa kung sino ang nasa likod ng sinasabing bituin?—Mateo 2:1, 11, 12, Magandang Balita Biblia.
Matututo ka rin kasama ng iyong mga anak sa pagbabasa ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Mayroon itong 116 na kuwento tungkol sa mga tao at pangyayaring nasa Bibliya. Para makakuha ng isang kopya, punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala ito sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.