“Naiyak Ako Nang Basahin Ko Ito”
“Naiyak Ako Nang Basahin Ko Ito”
● Iyan ang isinulat ng isang babae sa Illinois, E.U.A., tungkol sa pagbabasa niya ng aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman. Sinabi niya sa kaniyang sulat para sa mga naglathala ng aklat, “Ipinananalangin ko na sana ay marami pang tao ang masiyahan sa pagbabasa ng tungkol kay Jesus gaya ng nadama ko.”
Ang aklat na Pinakadakilang Tao ay tungkol sa buhay ni Jesus na nakasalig sa kinasihang ulat ng kaniyang apat na kasabayan na sina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan. Sina Mateo at Juan ay mga apostol at kasama ni Jesus sa kaniyang ministeryo. Si Marcos ay malapít na kaibigan ni Pedro, isa sa mga apostol ni Jesus. At ang doktor na si Lucas ay nakasama ni apostol Pablo sa ministeryo.
Maaari kang humiling ng isang libreng kopya ng aklat na ito na punô ng larawan. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.