Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Bacterial Flagellum

Ang Bacterial Flagellum

● Kahit gamitan ng hi-tech na mikroskopyo, napakaliit pa rin nito. Ikinumpara ito sa malakas na motor ng isang bangka. Ano ba ang bacterial flagellum?

May iba’t ibang uri ng flagellum, pero malamang na ang bacterial flagellum (sa Latin, “panghagupit”) ang mas napag-aralan sa lahat. Ang umiikot na flagellum ay nakakabit sa cell wall ng baktirya para makakilos ito nang pasulong at paatras, makahinto, at mag-iba ng direksiyon. Tinatayang kalahati ng natuklasang baktirya ang may iba’t ibang klase ng flagellum.

Nakadisenyo sa DNA ng baktirya o mikroorganismo ang flagellum at ang propeler nito. Ito ay binubuo ng mga 40 protina na puwedeng ikumpara sa mga piyesa ng isang motor. At kamangha-mangha na kaya nitong buuin ang sarili nito sa loob lang ng 20 minuto!

Sinasabi ng publikasyong The Evolution Controversy: “May motor ang bacterial flagellum na kayang umikot sa bilis na 6,000 hanggang 17,000 rpm. Ang kahanga-hanga pa, sa kaunting paling lang ay makapagbabago ito ng direksiyon at makakakilos na naman sa bilis na 17,000 rpm.” Tinawag ng magasing New Scientist ang bacterial flagellum bilang “isang napakagandang halimbawa ng masalimuot na sistema ng molekula​—isang napakadetalyadong nanomachine na di-kayang gawin ng sinumang inhinyero.”

Palaisipan pa rin sa mga siyentipiko kung paano kusang binubuo ng napakaliit na bacterial flagellum ang sarili nito para magkasya ang 40 bahagi nito nang eksakto at gumana ito nang tama.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba na ganito ang bacterial flagellum? O may nagdisenyo nito?

[Dayagram/Larawan sa pahina 24]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Rotor

Bushing

Universal joint

Propeler

Mga flagellum

[Larawan]

Pinalaking larawan ng baktirya

[Credit Lines]

Bacterium inset: © Scientifica/Visuals Unlimited, Inc.; flagellum diagram: Art source courtesy of www.arn.org