Puwede Na Silang Turuan
Puwede Na Silang Turuan
● Isang ina mula sa California, E.U.A., ang sumulat tungkol sa isang paksa sa aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro. Sinabi niya: “Noong isang linggo, pinatingnan ko ang aking tatlong-taóng-gulang na anak na si Javan sa kaniyang pedyatrisyan. Itinanong ng doktora sa aming mag-asawa kung naipakipag-usap na namin kay Javan ang tungkol sa pag-iingat sa mga pribadong bahagi ng kaniyang katawan. Ibinida ko sa kaniya ang tungkol sa aklat na Guro, na nagsasabing hindi dapat laruin ng iba ang mga pribadong bahagi ng ating katawan. Humanga ang doktora sa ginawa namin.”
Idinagdag pa ng ina: “Tamang-tama ang pagtalakay ng aklat sa paksang ito.” Tinutukoy niya ang kabanatang may pamagat na “Kung Paano Iningatan si Jesus.” Ipinaliliwanag doon kung paano iningatan si Jesus ng kaniyang makalangit na Ama mula sa napakasamang si Haring Herodes nang si Jesus ay napakabata pa para ipagtanggol ang kaniyang sarili. (Mateo 2:7-23) Pagkatapos, ipinakita ng aklat na kahit ang maliliit na bata ay puwedeng turuan kung paano poprotektahan ang kanilang sarili kapag may gustong magsamantala sa kanila.
Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito na may 256 na pahina, may magagandang larawan, at kasinlaki ng magasing ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.