Sino Talaga ang Nasa Likod ng Okultismo?
Sino Talaga ang Nasa Likod ng Okultismo?
GANITO ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa ating Maylalang: “Ang Diyos ay liwanag at walang anumang kadiliman kung kaisa niya.” (1 Juan 1:5) Totoo iyan sa espirituwal na diwa. Kung gayon, ang tunay na Diyos ba ang nasa likod ng okultismo? O isang masamang espiritu?
Pangunahing bahagi ng okultismo ang panghuhula at espiritismo. Kabilang dito ang astrolohiya, numerolohiya, pagbasa sa guhit ng palad, at panggagaway, pati na ang pakikipag-usap sa mga “patay” at pangkukulam. Ang kasaysayan ng mga gawaing ito ay kasintanda ng Babilonya, na ang mga guho ay nasa Iraq. (Isaias 47:1, 12, 13) Mula sa Babilonya, ang okultismo ay kumalat sa sinaunang daigdig at nag-ugat sa maraming kultura at sibilisasyon.
Isaalang-alang ang nangyari sa lunsod ng Filipos sa sinaunang Macedonia. Nakasalubong doon ng isang maliit na grupo ng mga ministrong Kristiyano, kasama sina apostol Pablo at ang manggagamot na si Lucas, ang isang babaing may mahiwagang kapangyarihan. Pansinin kung ano ang sinabi ni Lucas tungkol sa pinanggagalingan ng kapangyarihan nito: “Isang alilang babae na may espiritu, isang demonyo ng panghuhula, ang sumalubong sa amin. Nakapaglalaan Gawa 16:16-18.
siya sa kaniyang mga panginoon ng maraming pakinabang sa pagsasagawa ng sining ng panghuhula.”—Oo, ang kapangyarihan ng babaing ito ay mula sa isang demonyo, isang masamang espiritu, at hindi sa tunay na Diyos na si Jehova. Kaya si Pablo at ang kaniyang mga kasama ay hindi nakinig sa babaing ito. Baka maitanong mo: ‘Sino ang mga demonyo? Saan sila nagmula?’ Muli, alamin natin ang sagot ng Bibliya.
Sino ang mga Demonyo?
Bago pa lalangin ni Jehova ang mga tao, lumalang siya ng di-mabilang na matatalinong espiritung “mga anak ng Diyos” sa langit. (Job 38:4, 7) Tulad ng tao, mayroon din silang kakayahan at kalayaang magpasiya. Sa loob ng matagal na panahon, lahat sila ay nanatiling tapat sa Diyos. Pero bigla itong nagbago. Paano?
Pagkatapos lalangin ng Diyos ang mga tao, hinangad ng isang espiritung nilalang na mapasakaniya ang pagsamba ng mga ito—isang bagay na hindi nararapat. Gaya ng isang ventriloquist na gumagamit ng papet, ginamit ng masamang anghel na ito ang isang ahas para hikayatin ang unang babae, si Eva, na sumuway sa kaniyang Maylalang. (Genesis 3:1-6) Tinutukoy ng Bibliya ang rebeldeng anghel na iyon bilang “ang orihinal na serpiyente, ang tinatawag na Diyablo at Satanas.” (Apocalipsis 12:9) Inilarawan siya ni Jesus bilang “mamamatay-tao” na “hindi . . . nanindigan sa katotohanan.” Idinagdag pa ni Jesus: “Kapag sinasalita niya ang kasinungalingan, siya ay nagsasalita ayon sa kaniyang sariling kagustuhan, sapagkat siya ay isang sinungaling at ama ng kasinungalingan.”—Juan 8:44.
Nang maglaon, sumama sa paghihimagsik ni Satanas ang ibang espiritung “mga anak ng tunay na Diyos.” (Genesis 6:1, 2) Tinukoy sila bilang “mga anghel na nagkasala” at “mga anghel na hindi nag-ingat ng kanilang orihinal na kalagayan kundi nag-iwan ng kanilang sariling wastong tahanang dako,” o itinalagang dako sa langit. (2 Pedro 2:4; Judas 6) Tinawag din silang mga demonyo. (Santiago 2:19) Determinado silang italikod sa tunay na pagsamba ang pinakamaraming tao hangga’t posible, gaya ng ginawa nila sa mga Israelita noong panahon ng Bibliya. (Deuteronomio 32:16, 17) Sa ngayon, wala pa ring tigil si Satanas at ang kaniyang mga demonyo sa paggamit ng mga kasinungalingan.—2 Corinto 11:14, 15.
Protektahan ang Iyong Sarili!
Kahit na may kapangyarihan ang masasamang espiritu, sa tulong ng Diyos, kaya nating ‘manindigan laban sa kanila,’ at magtagumpay. (1 Pedro 5:9) Pero para matamo ang tulong na iyan, kailangan nating malaman ang mga kahilingan ng Diyos at sundin ang mga ito. Ganito ang isinulat ni apostol Pablo sa mga Kristiyano noong panahon niya: “Kami . . . ay hindi tumitigil sa pananalangin para sa inyo at sa paghiling na mapuspos kayo ng tumpak na kaalaman sa kaniyang kalooban na may buong karunungan at espirituwal na pagkaunawa, sa layuning lumakad nang karapat-dapat kay Jehova upang palugdan siya nang lubos.”—Colosas 1:9, 10.
Kasama sa mga nagtamo ng “tumpak na kaalaman” na iyan ang mga nagsasagawa ng okultismo sa lunsod ng Efeso. Pansinin kung ano ang ginawa nila nang malaman nila ang katotohanan. Sinasabi ng Bibliya: “Tinipon ng marami sa mga nagsasagawa ng sining ng mahika ang kanilang mga aklat at sinunog ang mga iyon sa harap ng lahat.” Napakalaki ng halaga ng mga Gawa 19:17-19) Iniulat ang halimbawa nila para sa ating kapakinabangan.—2 Timoteo 3:16.
aklat na iyon—“limampung libong piraso ng pilak.” (Mga Simulaing Makatutulong sa Iyo
May magagawa pa tayo para protektahan ang ating sarili mula sa mga demonyo. Isaalang-alang ang sumusunod na tagubilin sa Bibliya.
“Huwag ninyong paniwalaan ang bawat kinasihang kapahayagan, kundi subukin ang mga kinasihang kapahayagan upang makita kung ang mga ito ay nagmumula sa Diyos.” (1 Juan 4:1) Maaaring totoo ang ilang sinasabi ng mga astrologo, psychic, espiritista, at mga albularyong nagsasagawa ng okultismo. Halimbawa, tama naman ang sinabi ng babaing sinasaniban na taga-Filipos tungkol kay Pablo at sa mga kasama nito: “Ang mga taong ito ay mga alipin ng Kataas-taasang Diyos, na nagpapahayag sa inyo ng daan ng kaligtasan.” (Gawa 16:17) Gayunman, hindi siya tinanggap ni Pablo at ng mga kasama nito. Sa halip, inutusan ni Pablo ang masamang espiritu na lumabas sa kaniya. Kaya subukin, o suriin, kung ang sinasabi ng mga relihiyon ay kasuwato ng Bibliya.—Gawa 17:11.
“Magpasakop kayo sa Diyos; ngunit salansangin ninyo ang Diyablo, at tatakas siya mula sa inyo.” (Santiago 4:7) Ang mga demonyo ay kaaway ng Diyos. Kaaway mo rin sila. Huwag man lamang matuksong mag-usisa sa kanilang mga gawain! Sa halip, magpasakop sa Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa kaniyang maibiging mga utos, na hindi naman pabigat. (1 Juan 5:3) Halimbawa, sinabi ng Diyos sa sinaunang bansang Israel: “Huwag masusumpungan sa iyo ang sinumang . . . nanghuhula, ang mahiko o ang sinumang naghahanap ng mga tanda o ang manggagaway, o ang isa na nanggagayuma sa iba sa pamamagitan ng engkanto o ang sinumang sumasangguni sa espiritista o ang manghuhula ng mga pangyayari o ang sinumang sumasangguni sa patay. Sapagkat ang lahat ng gumagawa ng mga bagay na ito ay karima-rimarim kay Jehova.” (Deuteronomio 18:10-12) Ganiyan pa rin ang pangmalas ng Diyos.—Galacia 5:19, 20.
“Walang masamang engkanto laban sa [mga lingkod ni Jehova].” (Bilang 23:23) Hindi dapat matakot sa mga demonyo ang lahat ng gustong maglingkod sa Diyos. Sa katunayan, “nangangatog” ang masasamang espiritung ito sa harap ng Diyos dahil alam nila kung gaano kalakas ang kaniyang kapangyarihan, at alam nilang pupuksain Niya sila sa malapit na hinaharap. (Santiago 2:19) ‘Ipakikita ng Diyos ang kaniyang lakas alang-alang sa mga may pusong sakdal sa kaniya,’ at “hindi niya kailanman ipahihintulot na ang matuwid ay makilos.”—2 Cronica 16:9; Awit 55:22.
“Batid ng mga buháy na sila ay mamamatay; ngunit kung tungkol sa mga patay, sila ay walang anumang kabatiran.” (Eclesiastes 9:5) Itinuturo ng Salita ng Diyos na ang mga patay ay talagang patay na. Hindi sila dapat katakutan dahil hindi na nila kayang manakit. (Isaias 26:14) Kung minsan, para dayain ang mga tao, ang mga demonyo ay nagpapanggap na sila ang espiritu ng mga namatay. Iyan ang dahilan kung bakit nasasabi ng ilan na ang “espiritu” ng yumao ay tila iba na sa mabait na taong nakilala nila.
“Hindi kayo maaaring makibahagi sa ‘mesa ni Jehova’ at sa mesa ng mga demonyo.” (1 Corinto 10:21, 22) Tatanggihan ng lahat ng talagang umiibig kay Jehova ang mga aklat, pelikula, at computer games na nagtatampok ng okultismo o nagtataguyod ng mga paniniwala at gawain nito. * “Hindi ako maglalagay sa harap ng aking mga mata ng anumang walang-kabuluhang bagay,” ang sabi ng Awit 101:3. Bukod diyan, karaniwan nang itinataguyod ng gayong mga libangan ang karahasan at imoralidad, mga bagay na tinatanggihan ng “mga umiibig kay Jehova.”—Awit 97:10.
Mula’t sapol ay itinatago ng mga demonyo ang kanilang tunay na kulay. Pero hindi sila lubusang nagtagumpay. Sa pamamagitan ng Bibliya, isiniwalat ni Jehova kung sino talaga sila—mga sinungaling at mababagsik na kaaway ng sangkatauhan. Ibang-iba nga sila sa ating Maylalang, ang Diyos na Jehova! Gaya ng mababasa sa susunod na artikulo, iniibig niya tayo, lagi siyang nagsasabi ng totoo, at gusto niya tayong mabuhay nang maligaya magpakailanman.—Juan 3:16; 17:17.
[Talababa]
^ par. 19 Iba’t iba ang budhi ng bawat indibiduwal, depende sa kanilang kinalakhang relihiyon at espirituwal na pagkamaygulang. Ang mahalaga ay manatiling malinis ang budhi ng isa sa harap ng Diyos at hindi siya makabagabag sa budhi ng iba, pati na sa mga kapamilya. “Tayong lahat ay tatayo sa harap ng luklukan ng paghatol ng Diyos,” ang sabi ng Roma 14:10, 12.