“Salamat at Nakilala Ko ang Isang Maibiging Ama”
“Salamat at Nakilala Ko ang Isang Maibiging Ama”
● Ganito ang isinulat ng isang 19-anyos na dalaga mula sa timugang Estados Unidos: “Palasimba ang pamilya ko at kilala ko si Kristo bilang aking Tagapagligtas. Pero maraming taon akong nabalot ng takot sa paghuhukom ng Diyos dahil baka masunog ako sa impiyerno, hanggang sa mabasa ko ang aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?
“Pagkabasa ko ng ilang kabanata, talagang gumaan ang pakiramdam ko. Para bang nawala ang napakabigat na pasan sa aking dibdib. Ngayon, alam ko nang ang Diyos na Jehova ay maibigin, mabait, at maawain. Gusto niya akong magkaroon ng kaugnayan sa kaniya pero hindi dahil sa takot. Plano kong dumalo sa Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova ngayong Linggo. Excited na ako! Salamat at nakilala ko ang isang maibiging Ama, hindi ang isa na gumawa ng maapoy na impiyerno.”
Tinatalakay rin sa aklat na Itinuturo ng Bibliya ang iba pang mahahalagang paksa. Kasama rito ang tungkol sa kalagayan ng patay, pag-asa ng pagkabuhay-muli, kung paano mapagaganda ang buhay ng pamilya, kung sino ang Diyos at si Jesu-Kristo, at kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa. Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito. Punan lang ang kupon sa ibaba at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.