Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Glue ng Sandcastle Worm

Ang Glue ng Sandcastle Worm

● Inaayos ng mga siruhano ang mga nabaling buto gamit ang mga pin, plate, at mga turnilyo. Pero mahirap gamitin ang mga ito sa mas maliliit na piraso ng buto. Dati, hindi alam ng mga mananaliksik kung paano gagawa ng pandikit na puwedeng tumigas kahit sa loob ng katawan ng tao. Pero nakakita sila ng posibleng solusyon nang pag-aralan nila ang sandcastle worm!

Pag-isipan ito: Ang bahay ng sandcastle worm ay nasa ilalim ng dagat. Para itong tubo na gawa sa mga butil ng buhangin at piraso ng shell. Isa-isang pinagdidikit-dikit ng sandcastle worm ang mga materyales na ito gamit ang kaunting glue na galing sa glandulang nasa thorax nito. Mas matibay ang pandikit na ito kaysa sa ginagamit ng mga tao sa ngayon. Mayroon itong kakaibang mga protina na kapag nagsama-sama ay mabilis na tumitigas kahit sa tubig. Kaya naman, ang sandcastle worm ay tinaguriang isang mahusay na mason. Ayon kay Russell Stewart ng University of Utah, nilutas ng bulating ito ang maraming “masalimuot na problema sa pagdirikit.”

Ang mga mananaliksik ay nakagawa na ng mas matibay na sintetikong bersiyon ng glue ng sandcastle worm. Pero kailangan pa nilang gumawa ng glue na magagamit sa operasyon at malulusaw din kapag naghilom na ang mga nabaling buto. Kung matagumpay itong magagamit sa mga tao, tiyak na magiging malaking pagsulong ito sa medisina.

Ano sa palagay mo? Nagkataon lang ba ang kakaibang glue ng sandcastle worm? O may nagdisenyo nito?

[Larawan sa pahina 26]

Umaasa ang mga mananaliksik na maaayos nila ang mga nabaling buto nang hindi gumagamit ng metal

[Picture Credit Line sa pahina 26]

Sandcastle worm: © Peter J. Bryant, University of California, Irvine