“Dapat Itong Basahin”
“Dapat Itong Basahin”
Iyan ang sinabi ng isang propesor sa pisika sa Estados Unidos hinggil sa Is There a Creator Who Cares About You? * Isinulat niya: “Tinatalakay ng aklat ang ilan sa pinakanakalilitong tanong sa astropisika, molecular biology, at anatomiya ng tao, na mahirap sabihing nagkataon lamang. . . . Makatutulong ang pagsasaalang-alang sa mga halimbawa at argumentong iniharap sa aklat pabor man ang isa sa ebolusyon o sa paglalang.”
Sumulat ang isang babae: “Hindi talaga ako makaisip ng mga salita para masabi kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng maliit na aklat na ito. Hindi ko maibaba ang aklat, sapagkat sa bawat buklat ko ng pahina ay may bago na namang kaalaman hinggil sa uniberso na natuklasan ng mga siyentipiko. Kayrami kong natutuhan!”
Humanga rin siya sa pagtalakay ng aklat hinggil sa apat na pangunahing pisikal na puwersa at sa pagiging natatangi ng mga tao kung ihahambing sa mga hayop.
Napag-isip-isip mo na ba kung may matibay na ebidensiya sa siyensiya na nagpapatunay sa pag-iral ng Maylalang? Kung mayroon ngang Maylalang, talaga bang nagmamalasakit siya sa atin? Masusumpungan mo ang sagot sa gayong mga tanong sa kawili-wiling aklat na ito na may 192 pahina. Maaari kang humiling ng isang kopya nito. Punan lang ang kupon sa ibaba at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng aklat na ipinakikita rito.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Talababa]
^ par. 2 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Larawan sa pahina 32]
Larawan ng tulad-haliging gas na tinatawag na “Mga Haligi ng Paglalang” na masusumpungan sa NGC 6611 Nebula, o Eagle Nebula (M16). Kuha ng Hubble Space Telescope
[Picture Credit Line sa pahina 32]
Photo above and on cover: J. Hester and P. Scowen (AZ State Univ.), NASA