Ang Karunungan ni Haring Solomon
Ang Karunungan ni Haring Solomon
● Tinanong ng isang guro ang mga estudyante niya sa ikaapat na baytang kung ano ang alam nila tungkol kay Haring Solomon na binanggit sa Bibliya. Sinabi ng nuwebe-anyos na si Sheena na si Solomon ay isang napakatalinong hari at ikinuwento niya kung paano nito nilutas ang problema ng dalawang babae na parehong nagsasabing anak nila ang isang bata. Noong una, hindi makapaniwala ang mga kaklase niya sa ginawa ni Solomon, pero sinabi ng guro na tama ang hari.
Sinabi ni Sheena na nabasa niya sa librong Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ang tungkol sa karunungan ni Solomon. “Anim na kaklase ko ang humiling ng aklat na Mga Kuwento sa Bibliya,” ang kuwento ni Sheena. Sinabi pa niya: “Humingi rin ng isa ang titser ko. Lahat-lahat, pitong aklat ang naipamigay ko.”
Maaari kang humiling ng isang kopya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya na may 116 na kuwento tungkol sa mga tao at pangyayari sa Bibliya. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.