Ang Bibliya—Alam Mo ba ang Mensahe Nito?
Ang Bibliya—Alam Mo ba ang Mensahe Nito?
● Ang Bibliya ang pinakamalaganap na aklat sa buong mundo. Napatunayan ng mga tao mula sa iba’t ibang kultura na ang mensahe nito ay nagbibigay ng kaaliwan at pag-asa, at ang payo nito ay praktikal sa pang-araw-araw na buhay. Pero marami pa rin ang walang gaanong alam tungkol sa kahanga-hangang aklat na ito.
Ang kapana-panabik at kaakit-akit na brosyur na Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito? ay makatutulong sa iyo na maintindihan ang Bibliya. Tinatalakay sa unang dalawang seksiyon kung paano naglaan ang Diyos ng isang paraiso para sa tao at kung paano ito nawala. Pagkatapos, malalaman natin ang layunin ng Maylalang na isauli ang Paraiso sa pamamagitan ng Kaharian ng Diyos, isang gobyerno sa langit na pamumunuan ni Jesu-Kristo.
Ang kasunod na mga seksiyon ay tungkol kay Jesus—ang kaniyang ministeryo, mga himala, kamatayan, at pagkabuhay-muli. Binabanggit din doon ang kaniyang unang mga tagasunod na malalakas ang loob, pati na ang kanilang mga isinulat na naging bahagi ng Bibliya.
Angkop lang na ang pinakahuli sa 26 na seksiyon ay may paksang “Naibalik na Paraiso!” Ang kasunod nitong makulay na pahina ay pinamagatang “Ang Buod ng Mensahe ng Bibliya.” Ipinakikita rito ang pitong mahahalagang pangyayari sa katuparan ng layunin ng Diyos para sa sangkatauhan.
Kung nais mong humiling ng isang kopya ng brosyur na ito na may 32 pahina, punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng brosyur na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.