Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Karunungan Para sa Puso at Kalusugan

Karunungan Para sa Puso at Kalusugan

Karunungan Para sa Puso at Kalusugan

“Ang pusong mahinahon ay buhay ng katawan.”​—KAWIKAAN 14:30.

“Ang masayang puso ay nakabubuti bilang pampagaling.”​—KAWIKAAN 17:22.

● Ang simple pero makatotohanang mga pananalitang iyan ay binigkas ni Haring Solomon ng Israel mga 3,000 taon na ang nakararaan. * Pero totoo ba ang mga iyan? Ano ang ipinakikita ng makabagong medisina?

Bilang paghahambing sa mahinahong puso at sa pagiging magagalitin, ganito ang sinabi ng Journal of the American College of Cardiology: “Ipinahihiwatig ng mga bagong tuklas na ang galit at sama ng loob ay nakapagpapalubha sa CHD [coronary heart disease].” Kaya sinabi ng Journal: “Ang matagumpay na prebensiyon at paggamot sa CHD ay maaaring nangangailangan . . . hindi lang ng kombensiyonal na physical therapy at mga gamot, kundi pati ng pagkontrol sa mga emosyon gaya ng galit at sama ng loob.” Sa madaling salita, nakabubuti sa kalusugan ang pusong mahinahon, gaya ng sinasabi sa Bibliya.

Ang pagiging masayahin ay may magandang epekto rin. Sinabi ni Dr. Derek Cox, isang opisyal sa kalusugan sa Scotland, sa isang ulat ng BBC News: “Kung masayahin ka, mas maliit ang tsansa na magkasakit ka kumpara sa mga taong malungkutin.” Sinabi pa sa ulat: “Ang mga taong masaya ay mas nakaiiwas din sa mga karamdamang gaya ng sakit sa puso at istrok.”

Bakit alam na noon ni Solomon​—at ng iba pang manunulat ng Bibliya​—ang mga bagay na ngayon lang natutuklasan ng siyensiya? Simple lang ang sagot. “Ang Diyos ay patuloy na nagbigay kay Solomon ng napakalaking karunungan at unawa.” (1 Hari 4:29) Ang karunungang iyan ay isinulat sa simpleng pananalita para makinabang ang lahat. At wala itong bayad!

Kaya bakit hindi ugaliing magbasa ng Bibliya araw-araw? Gaya ng napatunayan na ng milyun-milyon, “kapag ang karunungan ay pumasok sa iyong puso at ang kaalaman ay naging kaiga-igaya sa iyo mismong kaluluwa, ang kakayahang mag-isip ay magbabantay sa iyo, ang kaunawaan ay mag-iingat sa iyo.” (Kawikaan 2:10, 11) Hindi ba’t nakatutuwang malaman iyan?

[Talababa]

^ par. 4 Sa Bibliya, ang salitang “puso” ay kadalasan nang tumutukoy sa buong panloob na pagkatao ng isa, kasama na ang kaniyang mga emosyon.