Repaso Para sa Pamilya
Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Pagkakaiba ng mga Larawan?
Alam mo ba kung ano ang tatlong pagkakaiba ng larawan A at B? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Kulayan ang mga larawan.
CLUE: Basahin ang Exodo 25:23, 30, 31, 37; 30:1-7; Levitico 24:5, 6.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
4. Aling larawan ang tama, ang A o ang B?
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang kailangang gawin ng mga saserdote bago maglingkod sa tabernakulo?
CLUE: Basahin ang Exodo 30:17-21.
Kung gusto mong matuwa ang iyong mga magulang at si Jehova, bakit mahalaga na maging malinis ka? Bukod sa pagiging malinis sa pisikal, sa anong paraan ka pa maaaring maging malinis?
CLUE: Basahin ang 1 Corinto 6:9-11; 2 Corinto 7:1.
PARA SA PAMILYA:
Atasan ang bawat miyembro ng pamilya na magsaliksik tungkol sa “Dakong Banal” sa tabernakulo. (Hebreo 9:2) Pagkatapos, mag-ulat ang bawat isa ng isang bagong bagay na natutuhan niya.
CLUE: Basahin ang Awit 119:105; 141:2; Mateo 4:4; Juan 4:34; Apocalipsis 8:4.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 9 JEREMIAS
MGA TANONG
A. Anong apat na aklat ng Bibliya ang ipinasulat ni Jehova kay Jeremias?
B. Tama o mali. Hindi nag-asawa si Jeremias.
C. Kumpletuhin ang sinabi ni Jeremias: “Sa aking puso ay naging gaya iyon [salita ng Diyos] ng . . . ”
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong mga 650 B.C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Nanirahan sa Jerusalem. Naglakbay patungong Ilog Eufrates at Ehipto—Jeremias 13:1-9; 43:8-13
Jerusalem
Eufrates
EHIPTO
JEREMIAS
MAIKLING IMPORMASYON
Pinili na maging propeta bago pa isilang. (Jeremias 1:1-5) Si Jeremias ay naglingkod sa Diyos nang may katapatan sa loob ng mahigit 65 taon. Bagaman iniisip niyang kulang siya sa karanasan at takót siyang magsalita, sinabi ni Jehova: “Huwag kang matakot . . . , sapagkat ‘Ako ay sumasaiyo upang iligtas ka.’”—Jeremias 1:6-8.
MGA SAGOT
A. Una at Ikalawang Hari, Jeremias, at Mga Panaghoy.
B. Tama.—Jeremias 16:1-4.
C. “. . . nagniningas na apoy na nakukulong sa aking mga buto.”—Jeremias 20:9.
Mga Tao at mga Lugar
5. Ako si Geoffrey, siyam na taóng gulang. Nakatira ako sa Fiji. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Fiji? Ito ba ay 500, 2,500, o 10,500?
6. Bilugan ang marka kung saan ako nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalapit sa Fiji.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
● Nasa pahina 27 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Dami ng lampara sa kandelero.
2. Dami ng tinapay na pantanghal.
3. Mga sungay na nakausli sa altar ng insenso.
4. A.
5. 2,500.
6. D.