Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Noong Lumalaki Sila

Noong Lumalaki Sila

Noong Lumalaki Sila

“Noong bata pa kami, gustung-gusto namin ang librong Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Ngayon ay mayroon na kaming baby na isang taon at apat na buwan, si Joshua. Napakagandang gamitin nito sa pagtuturo sa kaniya. Sa murang edad, kilala na ni Joshua ang mga 35 tauhan sa Bibliya na binanggit sa aklat. Naging bahagi na ito ng kaniyang bokabularyo.”​—Timothy at Ann.

“Enjoy na enjoy ang anak kong lalaki kapag tinitingnan niya ang aklat na Matuto Mula sa Dakilang Guro at kabisado na niya ang marami sa mga larawan doon. Sa tulong ng aklat, naipaliliwanag ko sa kaniya kung paano haharapin ang mga problema sa iskul at sa iba pang lugar. Napakalaking tulong talaga nito!”​—Jennifer.

“Ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2, ay tumatalakay sa bawat pitak ng buhay ng isang kabataan. Ako’y 19 anyos. Natulungan ako ng aklat na ito na magkaroon ng mga tunguhin, makapagpasiya nang tama may kinalaman sa pakikipag-date, at maging mas malapít sa Diyos. Inirerekomenda kong basahin ito ng lahat, bata man o matanda.”​—Courtney.

□ Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya

□ Matuto Mula sa Dakilang Guro

Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2

□ Interesado akong tumanggap ng (mga) aklat na ito nang walang obligasyon. [Maaari mong ipadala ang kupon na ito sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.]

□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.