“Simple Pero Malamán”
“Simple Pero Malamán”
● Ganiyan ang sinabi ng isang mambabasa sa Nebraska, E.U.A., tungkol sa isang aklat na nabasa niya kamakailan. Sumulat siya: “Ako’y 56 anyos at binata pa. Katatapos ko lang basahin ang Matuto Mula sa Dakilang Guro. Humanga agad ako sa aklat na ito dahil napakahusay ng pagkakasulat—ang pananalita nito ay simple pero malamán. Isinulat n’yo ito nang may pagmamahal.” Sinabi pa niya: “Ang gaganda ng larawan! Kung may maliliit akong anak o apo, tutulungan ko silang pag-aralan hindi lang ang mismong kuwento kundi pati ang mga larawan.”
Isang babae sa Georgia, E.U.A., ang sumulat tungkol sa aklat ding iyon: “Ipinakita ito ng pamangkin kong anim na taóng gulang, si Avery, sa mga kaklase niya sa grade one. Pagkatapos niyang isalaysay sa buong klase ang isang kuwento, hangang-hanga ang kaniyang titser kaya isinaayos nito na basahin ni Avery sa klase ang isang kuwento bawat araw.” Sinabi pa ng tita ni Avery, “Napakagandang patotoo nito sa kaniyang mga kaklase at titser!”
Maaari kang humiling ng isang kopya ng aklat na ito na may 256 na pahina, may magagandang larawan, at kasinlaki ng magasing ito. Punan lamang ang kalakip na kupon at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng aklat na ito nang walang obligasyon.
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.
[Larawan sa pahina 32]
Paano naging mabuting kapuwa ang isang Samaritano?