Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Hindi Na Niya Ito Mailapag’

‘Hindi Na Niya Ito Mailapag’

● Isang babaing taga-New York, E.U.A., ang humanga sa pagtalakay sa pangunahing mga relihiyon sa daigdig sa aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos. Sinabi niya: “Nang simulan ko itong basahin, hindi ko na ito mailapag! Ang aklat ay balanse at punung-puno ng impormasyon. Salamat sa inyo.”

Isa pang mambabasa ang sumulat: “Binasa ko ang buong aklat. Sinuri ko rin ang karamihan sa mga reperensiya, at napakarami nito! Buong-pagtitiwala kong inirerekomenda ang aklat sa sinuman. Sabihin pa, may ilang bahagi rin ito tungkol sa pananampalataya ng mga Saksi ni Jehova, ngunit iyon ay maliit na bahagi lamang nitong napakahusay na kasaysayan tungkol sa relihiyon.”

Maaari kang humiling ng isang kopya ng 384-na-pahinang aklat na ito. Punan lang ang kupon sa ibaba at ipadala sa adres na nasa kupon o sa isang angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.