Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Ang mga Dating Bagay ay Hindi Na Mapapasapuso’

‘Ang mga Dating Bagay ay Hindi Na Mapapasapuso’

 ‘Ang mga Dating Bagay ay Hindi Na Mapapasapuso’

Isiniwalat ng ating Maylalang kung ano ang malapit na niyang gawin. Sinabi niya:

“Narito, lumalalang ako ng mga bagong langit at ng isang bagong lupa; at ang mga dating bagay ay hindi aalalahanin, ni mapapasapuso man ang mga iyon.”—ISAIAS 65:17.

Ano ang “mga dating bagay” na hindi na “mapapasapuso”? Ayon sa konteksto, iyon ay ang kawalang-katarungan, sakit, pagdurusa, at marami pang ibang problema na nagpapahirap sa sangkatauhan. Paano aalisin ang mga problemang iyon? Ang sagot ay nasa inihulang “mga bagong langit” at “bagong lupa.”

Ang kahulugan ng mga terminong iyan ay ipaliliwanag sa pahayag pangmadla na pinamagatang “Ang mga Dating Bagay ay Hindi Na Mapapasapuso.” Mapapakinggan ito sa “Ingatan Mo ang Iyong Puso!” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova. Nagsimula ito noong Mayo sa Estados Unidos at nagpapatuloy sa buong daigdig.

Malugod kang inaanyayahan na dumalo sa kombensiyong pinakamalapit sa iyo. Para sa mga detalye, pakisuyong makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito. Makikita sa Web site na www.pr418.com/tl ang listahan ng mga lokasyon ng kombensiyon sa Pilipinas.