Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pagmamasid sa Daigdig

Pagmamasid sa Daigdig

Estados Unidos

Araw-araw, mahigit 20 dating miyembro ng hukbong sandatahan ng Estados Unidos ang nagpapatiwakal. Buwan-buwan, mga 950 beteranong tumatanggap ng pangangalaga mula sa U.S. Department of Veterans Affairs ang nagtatangkang magpatiwakal.

China

“Halos kalahati ng mga babaing wala pang 30 anyos na dumayo para magtrabaho ang nabubuntis nang di-kasal, kung kaya biglang dumami ang bilang ng mga [Tsinong] dalagang-ina kung ihahambing sa nagdaang henerasyon,” ang ulat ng China Daily. Sinasabi rin na ‘mas tanggap na sa lipunan ng mga Tsino ang pagsasama nang di-kasal.’

Greece

Sa Greece, muling lumitaw ang malarya, isang sakit na halos napawi na sa bansang ito noong 1974. Isinisisi ito sa kahirapan ng buhay at sa pagbabawas ng badyet para sa kalusugang pambayan.

India

Ipinakikita ng isang surbey na sa kabila ng malalaking pagbabago sa lipunan, 74 na porsiyento ng mga tinanong ang mas gusto pa rin ang ipinagkasundong pag-aasawa kaysa sa pagpili ng sariling mapapangasawa. At 89 na porsiyento naman ang mas gustong manirahan kasama ng iba pang kamag-anak sa halip na kasama lang ng mga magulang at kapatid nila.

Italy

“Mahina na ang [Katolikong] Simbahan, kapuwa sa mayamang Europa at sa Amerika. Luma na ang ating kultura, malalaki ang ating simbahan, walang-laman ang ating mga kumbento at pumangit ang pamamalakad ng Simbahan, ang ating mga ritwal at kasuutan ay mapagparangya. . . . Ang Simbahan ay 200 taon nang napag-iwanan ng panahon.”—Interbyu sa Katolikong kardinal na si Carlo Maria Martini, inilathala ng Corriere della Sera pagkamatay ng kardinal.