Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

  MGA BANSA AT MGA TAO

Pagbisita sa Brazil

Pagbisita sa Brazil

Ang masarap na putaheng feijoada ay isang tradisyonal na pagkain sa Brazil

Ibong toucan

MGA mangangaso at magsasaka ang unang nanirahan sa Brazil. Nang dumating ang mga manggagalugad na Portuges, dala nila ang relihiyong Romano Katoliko, at nang maglaon, kabi-kabila na ang itinayong mga simbahan at kapilya—ang ilan ay may magagarbong ukit na binalutan ng ginto.

Mula noong kalagitnaan ng ika-16 hanggang kalagitnaan ng ika-19 na siglo, mga apat na milyong Aprikanong sakay ng mga barko ang dinala sa Brazil para magtrabaho sa mga bukid bilang alipin. Dala nila ang kanilang mga ritwal, na pinagmulan ng mga relihiyong Aprikano-Braziliano gaya ng macumba at sektang candomblé. Makikita rin ang impluwensiya ng mga Aprikano sa musika, sayaw, at pagkain ng mga taga-Brazil.

Ang tradisyonal na feijoada, isang putaheng ginaya sa mga Portuges, ay may iba’t ibang uri ng karne at itim na balatong, na inihahaing kasama ng kanin at isang uri ng repolyo. Noong ika-19 at ika-20 siglo, nanirahan na rin sa Brazil ang milyun-milyong dayuhan mula sa Europa (pangunahin na sa Germany, Italy, Poland, at Spain), Japan, at iba pang mga lugar.

 Sa ngayon, may mga 750,000 Saksi ni Jehova sa mahigit 11,000 kongregasyon sa buong Brazil. Nagdaraos sila ng mahigit 800,000 pag-aaral sa Bibliya. Para may mapagpulungan, 31 grupo ng mga dumadayong construction worker ang tumutulong sa lokal na mga Saksi sa pagtatayo at pagkukumpuni ng mga 250 hanggang 300 Kingdom Hall taun-taon. Simula noong Marso 2000, 3,647 sa mga proyektong ito ang natapos na.

ALAM MO BA?

Mas maraming inilalabas na tubig ang Amazon River kaysa sa alinmang ilog at may haba itong mahigit 6,275 kilometro

Nasa Amazon River Basin ang pinakamalawak na rain forest sa buong mundo