Pagmamasid sa Daigdig
China
Umakyat nang 41 porsiyento ang bilang ng mga nagdiborsiyo sa Beijing noong unang siyam na buwan ng 2013 kumpara sa panahon ding iyon noong 2012. Ayon sa mga eksperto, malamang na dahil ito sa mga mag-asawa na gustong makaiwas sa 20 porsiyentong capital gains tax na sinisingil sa mga ibinebentang bahay. Sa ilang kalagayan, binabawasan ang tax para sa nagdiborsiyong mag-asawa na nagbebenta ng isa pa nilang bahay.
Daigdig
Sinabi ng United Nations na maaaring maging sagot sa malnutrisyon kung mas maraming tao ang kakain ng insekto. Ang nakakaing mga insekto ay masustansiya at ligtas kainin kahit ang kinakain nila ay hindi kinakain ng tao. Kaya ang mga ito ay “posibleng maging pamalit sa karne,” ayon sa isang report kamakailan. Pero aminado rin ang ulat na “may mga taong ayaw talagang kumain ng mga [insekto].”
Canada
Naguguluhan ang mga fertility clinic sa legal at moral na usapin tungkol sa kung ano ang gagawin sa mga frozen human embryo na hindi na matunton kung sino ang “may-ari.” Iniulat na sa isang klinika pa lang, mayroon nang 1,000 embryo ng mga ‘naglahong’ pasyente ng in vitro fertilization.
Ireland
Dalawa lang ang mapagpipilian ng mga Katolikong nagpapakasal sa Ireland