Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

TAMPOK NA PAKSA | PRAKTIKAL PA BA ANG BIBLIYA SA NGAYON?

Mga Pamantayang Hindi Kumukupas—Katapatan sa Asawa

Mga Pamantayang Hindi Kumukupas—Katapatan sa Asawa

SIMULAIN SA BIBLIYA: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at maging walang dungis ang higaang pangmag-asawa.”—Hebreo 13:4.

MGA PAKINABANG: May mga nagsasabing lipas na ang mga salitang iyan. Pero mali sila—maling mali! Kung paanong napakasakit noong panahon ng Bibliya ang mapagtaksilan, ganoon din ito kasakit ngayon.—Kawikaan 6:34, 35.

Isinulat ni Jessie, may asawa’t anak: “Dahil tapat kami sa isa’t isa, naging matibay at maligaya ang pagsasama naming mag-asawa. Sa pag-aasawa, napakahalaga talaga ng pagtitiwala. Pero sinisira ng pagtataksil ang pagtitiwalang ’yan”—bukod pa sa magiging epekto nito sa mga anak!

Muntik nang masira ni Ligaya * ang pagsasama nilang mag-asawa. “Nagkaroon ako ng masasamang kasama,” ang sabi niya. “Kaya natuto akong mag-nightlife, at magtaksil sa asawa ko.” Naging masaya ba si Ligaya? Palagi silang nagtatalong mag-asawa, at naging miserable ang buhay niya. Dagdag pa niya: “Kapag naaalaala ko kung gaano kagulo ang buhay ko no’n, naiisip kong tama pala ang mga magulang ko no’ng sinasabi nila sa ’kin, ‘Ang masasamang kasama ay sumisira ng kapaki-pakinabang na mga ugali.’”—1 Corinto 15:33.

Kuwento pa ni Ligaya: “Bago pa lumala ang mga bagay-bagay, itinigil ko na ang masasamang ginagawa ko at nag-aral ako ng Bibliya—at sa pagkakataong ito, ikinapit ko ang mga natututuhan ko.” Ang resulta? Nailigtas ni Ligaya ang pagsasama nilang mag-asawa, at naging mas mabait at magalang sa kaniya ang asawa niya. “Binago ng Bibliya ang buhay ko,” ang sabi niya, “at hindi ko pinagsisisihang iniwan ko ang dati kong buhay at ang mga inaakala kong kaibigan.”

^ par. 6 Binago ang ilang pangalan.