MAKAKAYANAN MO ANG STRESS
Nai-stress Ka Ba?
“Lahat naman tayo ay nai-stress pero sobra-sobra ang stress ko. ’Buti sana kung dahil lang ito sa isang malaking problema kaso, hindi. Ang dami kong problema, paghihirap, at parang wala nang katapusan ang pag-aalaga ko sa may-sakit kong asawa.”—Jill. *
“Iniwan ako ng misis ko kaya ako na lang ang magpapalaki sa dalawa naming anak. Mahirap maging solong magulang. Nawalan din ako ng trabaho at hindi ko man lang maipaayos ang kotse ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na ang stress ko. Alam ko namang mali ang magpakamatay, kaya nakiusap ako sa Diyos na tapusin na ang paghihirap ko.”—Barry.
Gaya nina Jill at Barry, nadarama mo ba minsan na parang nalulunod ka na sa sobrang stress? Kung oo, matutulungan ka ng artikulong ito. Tatalakayin dito kung ano ang mga dahilan ng stress, kung paano ka naaapektuhan nito, at kung paano mababawasan ang stress mo.
^ par. 3 Binago ang mga pangalan.