Nasaan Na ang Respeto sa Pamilya?
KUNG BAKIT MAHALAGANG IRESPETO ANG PAMILYA
Kapag may respeto ang mga miyembro ng pamilya sa isa’t isa, nagiging panatag sila.
-
Sinasabi sa aklat na The Seven Principles for Making Marriage Work na kapag may respeto ang mag-asawa sa isa’t isa, ipinapakita nila na mahal nila ang isa’t isa “hindi lang sa malaking paraan kundi pati sa maliit na paraan araw-araw.”
-
Ipinapakita ng pag-aaral na ang mga batang natutong rumespeto sa iba ay mas may kumpiyansa sa sarili. May malapít na kaugnayan din sila sa mga magulang nila, at mas maliit ang tsansa na magkaroon sila ng problema sa isip at emosyon.
ANG PUWEDE MONG GAWIN
Gumawa ng plano, kasama ng pamilya mo. Una, siguraduhing naiintindihan ng bawat isa sa inyo ang ibig sabihin ng “respeto.” Ikalawa, isulat ninyo kung ano ang gusto at ayaw ninyong gawin ng bawat isa sa inyo. Ikatlo, pag-usapan ninyo bilang pamilya kung ano ang puwedeng gawin para maipakita ang respeto.
Magpakita ng halimbawa. Nagpopokus ka ba sa mga pagkakamali ng mga kapamilya mo? Minamaliit mo ba ang mga opinyon nila? Binabale-wala mo ba sila o sumasabat ka kapag nagsasalita sila?
Tip: Isiping obligado kang magpakita ng respeto sa asawa’t mga anak mo, kahit sa tingin mo, hindi sila karapat-dapat sa respetong iyon.
Magpakita ng respeto kahit hindi ka sang-ayon sa kapamilya mo. Kapag nakikipag-usap ka, iwasan mong sabihin ang gaya ng “lagi ka namang ganiyan” o “hindi ka kasi.” Makakasakit ang mga iyan sa damdamin ng kapamilya mo at lalaki lang ang maliliit na problema.
ANG GINAGAWA NAMIN
Tinutulungan naming mga Saksi ni Jehova ang mga miyembro ng pamilya na irespeto ang isa’t isa. Madalas itong tema sa mga artikulo, aklat, brosyur, at video na inilalabas namin nang walang bayad.
PARA SA MAG-ASAWA: Tinutulungan ng mga artikulo sa seryeng Tulong Para sa Pamilya ang mag-asawa na . . .
-
maging mabuting tagapakinig
-
iwasan ang di-pagkikibuan
-
iwasan ang pagtatalo
(Hanapin ang “Tulong Para sa Pamilya” sa jw.org)
PARA SA MGA MAGULANG: Tinutulungan ng mga artikulo sa seryeng Tulong Para sa Pamilya ang mga magulang na sanayin ang mga anak nila na . . .
-
maging masunurin
-
tumulong sa mga gawaing-bahay
-
magsabi ng “pakisuyo” at “salamat po”
(Hanapin ang “Pagpapalaki ng mga Anak” at “Pagpapalaki ng mga Tin-edyer” sa jw.org)
Tingnan din ang apendise na “Tanong ng mga Magulang” sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1. (Hanapin ang “Tanong ng mga Magulang” sa jw.org)
PARA SA MGA KABATAAN: Ang seksiyon na Mga Kabataan sa jw.org ay may mga artikulo, video, at worksheet na makakatulong sa mga kabataan na . . .
-
makasundo ang mga magulang at mga kapatid nila
-
kausapin nang magalang ang mga magulang nila tungkol sa mga patakaran sa bahay
-
makuha ang tiwala ng mga magulang nila
(Hanapin ang “Mga Kabataan” sa jw.org)
Walang bayad ang paggamit sa website na jw.org. Hindi mo kailangang mag-subscribe o gumawa ng account. Hindi ka rin hihilingang magbigay ng personal na impormasyon.