Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Teknik ng Bubuyog sa Pagdapo

Ang Teknik ng Bubuyog sa Pagdapo

ANG bubuyog ay ligtas na nakadadapo sa kahit anong anggulo nang walang kahirap-hirap. Paano nila ito nagagawa?

Pag-isipan ito: Para makadapo nang ligtas, binabagalan ng bubuyog ang bilis ng kaniyang paglipad hanggang sa halos huminto na ito bago dumapo. Posible ito kung may kakayahan ang mga insekto na sukatin ang dalawang bagay: ang bilis ng paglipad at ang distansiya ng dadapuan. Pero mahihirapan ang karamihan ng mga insekto na gawin ito dahil ang mga mata nila, na magkakalapit at limitado ang kakayahang makita nang malinaw ang isang bagay, ay hindi nakatatantiya ng distansiya.

Ang paningin ng mga bubuyog ay ibang-iba sa paningin ng mga tao. Parang nalalaman ng mga bubuyog ang simpleng katotohanan na lumalaki ang isang bagay habang papalapit sila dito. Habang papalapit sila nang papalapit sa isang bagay, parang lalo itong lumalaki sa paningin nila. Ipinakikita ng mga eksperimentong ginawa sa Australian National University na binabawasan ng bubuyog ang kaniyang bilis sa paglipad para hindi agad lumaki sa kaniyang paningin ang dadapuan nito. Kapag malapit na siya rito, halos hihinto na siya sa paglipad, at makadadapo na ito nang ligtas.

Ganito ang sinabi ng babasahing Proceedings of the National Academy of Sciences: “Ang simple at di-masalimuot na teknik na ito sa pagdapo . . . ay tamang-tama sa pagbuo ng mga guidance system para sa lumilipad na mga robot.”

Ano sa palagay mo? Ang teknik ba ng bubuyog sa pagdapo ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?