Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Introduksiyon

Introduksiyon

12 Sekreto ng Matagumpay na Pamilya

Nababalitaan natin ang tungkol sa mga pamilyang nagkakawatak-watak. Pero ano kaya ang sekreto ng matagumpay na mga pamilya?

  • Sa pagitan ng 1990 at 2015 sa United States, dumoble ang divorce rate ng mga mahigit 50 anyos at triple naman sa mga mahigit 65 anyos.

  • Nalilito ang mga magulang: Ipinapayo ng mga eksperto na laging purihin ang mga anak, pero sinasabi naman ng iba na maging istrikto sa mga ito.

  • Ang mga kabataan ay nagiging adulto pero wala silang mga skill na kailangan para magtagumpay.

Pero ang totoo . . .

  • Ang pag-aasawa ay puwedeng maging kasiya-siya at panghabambuhay na pagsasama.

  • Puwedeng disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak nang may pagmamahal.

  • Puwedeng magkaroon ang mga kabataan ng mga skill na kailangan nila sa pagiging adulto.

Paano? Tinatalakay sa isyung ito ng Gumising! ang 12 sekreto ng matagumpay na pamilya.