Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Espirituwalidad

Espirituwalidad

Gaya ng nabanggit sa simula, ang Bibliya ay isang banal na aklat para sa marami. Kapag binabasa nila ito at isinasabuhay, nararamdaman nilang napapalapít sila sa Diyos at nauunawaan nila ang dahilan kung bakit sila nabubuhay.

Sa Bibliya, ginagamit ang salitang “espirituwalidad” para tumukoy sa saloobin o pananaw sa buhay. (Judas 18, 19) Di-gaya ng mga taong palaisip sa sarili, mas pinahahalagahan ng taong espirituwal ang pamantayan ng Diyos.—Efeso 5:1.

PAG-ASA

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Kapag nanghihina ang loob mo sa panahon ng problema, mababawasan din ang lakas mo.”—Kawikaan 24:10.

ANG IBIG SABIHIN NITO: Kapag nanghihina ang loob natin, nauubusan tayo ng lakas para harapin ang mga problema sa buhay. Pero kung may pag-asa tayo, hindi tayo susuko. Nakakatuwang malaman na pansamantala lang ang mga problema natin; ang totoo, baka may maganda pang maidulot iyon.

ANG PUWEDE MONG GAWIN: Maging positibo. Sa halip na sobrang mag-alala sa posibleng mangyari o maghintay ng perpektong pagkakataon, kumilos agad para maabot ang tunguhin mo. Totoo, may mga “di-inaasahang pangyayari.” (Eclesiastes 9:11) Pero kadalasan namang mas maganda ang nangyayari kaysa sa inaasahan natin. Para ipakita ang aral na iyan, ginamit ng Bibliya ang halimbawa ng pagsasaka. Sinasabi nito: “Maghasik ka ng binhi sa umaga, at huwag kang magpahinga hanggang gabi; dahil hindi mo alam kung alin sa mga ito ang tutubo, kung ang isang ito o ang isa pa, o kung parehong tutubo ang mga ito.”—Eclesiastes 11:6.

SAGOT SA MAHAHALAGANG TANONG SA BUHAY

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Bigyan mo ako ng kaunawaan . . . Katotohanan ang . . . salita mo.”—Awit 119:144, 160.

ANG IBIG SABIHIN NITO: May sagot ang Bibliya sa mga itinatanong ng halos lahat ng tao, gaya ng:

  • Saan tayo nagmula?

  • Bakit tayo nandito?

  • Ano ang nangyayari sa mga namatay?

  • Ganito na lang ba ang buhay?

Milyon-milyong tao sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagkaroon ng mas magandang buhay dahil sinuri nila ang sagot ng Bibliya sa mga tanong na gaya nito.

ANG PUWEDE MONG GAWIN: Personal na suriin kung ano ang itinuturo ng Bibliya. Puwede kang lumapit sa isang Saksi ni Jehova kung gusto mong maintindihan ang Bibliya. Puwede kang pumunta sa website namin, ang jw.org, o dumalo sa pulong. Libre ito at para sa lahat.

IBA PANG PRINSIPYO SA BIBLIYA

Panoorin ang video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya? sa jw.org/tl. Mapapanood ito sa mahigit 880 wika

MAGING PALAISIP SA ESPIRITUWAL.

“Maligaya ang mga nakauunawa na kailangan nila ang Diyos.”—MATEO 5:3.

MAS KILALANIN PA ANG DIYOS NG BIBLIYA.

‘Hanapin ninyo ang Diyos. Talagang makikita ninyo siya. Hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.’—GAWA 17:27.

BASAHIN ANG BIBLIYA AT PAG-ISIPAN ANG MENSAHE NITO.

“Nalulugod siya sa kautusan ni Jehova, * at ang kautusan Niya ay binubulay-bulay niya araw at gabi. . . . Ang lahat ng ginagawa niya ay magtatagumpay.”—AWIT 1:2, 3, talababa.

^ par. 23 Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.