Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Sinaunang Aklat Para sa Modernong Panahon

Isang Sinaunang Aklat Para sa Modernong Panahon

Para sa marami, ang Bibliya ay isang banal na aklat. Pero hindi lang iyan. May mga payo rin ito para sa pang-araw-araw na buhay.

Halimbawa, pansinin kung paano nakinabang ang ilan sa pagbabasa ng Bibliya at sa pagsunod sa mga payo nito.

“Mas gumanda ang buhay ko. Mas nakakapag-isip ako nang maayos, at nakokontrol ko na ang damdamin ko. Mas positibo na ang pananaw ko.”—Fiona.

“Dahil sa pagbabasa ng Bibliya, nakita ko ang tunay na layunin at kahulugan ng buhay.”—Gnitko.

“Ang laki ng ipinagbago ng buhay ko. Simple na ito, at mas marami na akong panahon sa pamilya ko.”—Andrew.

Marami pang karanasan ang gaya nito. Sa buong daigdig, nakita ng marami na ang Bibliya ay naglalaman ng kapaki-pakinabang na payo para sa pang-araw-araw na buhay.

Tingnan natin kung paano makatutulong ang Bibliya sa . . .

  • Kalusugan

  • Emosyon

  • Pamilya at pakikipagkaibigan

  • Pananalapi

  • Espirituwalidad

Ipinapakita ng sumusunod na mga artikulo na ang Bibliya ay hindi lang isang banal na aklat kundi kapaki-pakinabang din ito sa iba’t ibang paraan.