“Naiibang Paraan Ito ng Pagtuturo!”
GINAGAMIT ni Soo-jeong, guidance counselor sa isang high school sa South Korea, ang mga video sa website na jw.org sa kaniyang klase. Sinabi niya: “Napakaganda ng naging reaksiyon ng mga estudyante sa video na Ano ang Tunay na Kaibigan? Ganito ang komento nila matapos mapanood ang video: ‘Ibang-iba ito sa nalalaman ko tungkol sa pakikipagkaibigan. Naiibang paraan ito ng pagtuturo!’ Sinabi ng ilan na magpupunta sila sa website kapag kailangan nila ng payo.” Idinagdag pa ni Soo-jeong: “Sinabi ko rin sa ibang mga guro ang tungkol sa video, at natutuwa silang gamitin ang napakagandang video na ito sa kanilang mga klase.”
Ang isa pang video na nakatulong sa maraming estudyante sa South Korea ay ang whiteboard animation na Talunin ang Bully Nang Hindi Nakikipag-away. Ipinapanood ng isang lektyurer na nagtatrabaho sa Foundation for Preventing Youth Violence ang video na ito sa isang grupo ng mga estudyante. “Nagustuhan ng maraming kabataan ang video dahil sa magagandang larawan nito,” ang sabi niya. “Isa pa, praktikal ang video kasi ipinakita nito hindi lang kung paano haharapin ang karahasan kundi kung paano rin ito maiiwasan.” Humingi ng pahintulot ang institusyon na gamitin ang video sa kanilang mga lektyur sa mga estudyante sa elementary at high school. At pinayagan sila. Ginagamit din ng mga pulis ang mga video sa jw.org.
Bakit hindi mo subukang puntahan ang website na ito? Madaling mag-browse dito, at lahat ng audio at video, pati na ang Bibliya at maraming iba pang publikasyon ay mada-download nang libre.