Ang Bibliya Ba’y May Pangakong Makalupang Paraiso?
Ang Bibliya Ba’y May Pangakong Makalupang Paraiso?
“ANG paraiso ay isang pangalan para sa langit,” ang sabi ng The World Book Encyclopedia. “Sa ganitong diwa ginamit ni Jesus ang salitang iyan nang kausap Niya ang magnanakaw na naghihingalo sa krus.”
Nguni’t aktuwal nga bang nangako si Jesu-Kristo ng isang makalangit na paraiso sa naghihingalong magnanakaw? O ang ipinangako ba niya ay isang makalupang Paraiso?
Ang Ipinangakong Buhay sa Langit
Tiyak na si Jesus ay nangako ng buhay sa langit sa kaniyang tapat na mga apostol. Nang gabing bago siya patayin, siya’y nangako: “Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan. . . . Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At, kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, muling paririto ako at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili, upang kung saan ako naroon ay dumuon din kayo.” Anong gandang pangako ng buhay sa langit!—Juan 14:2, 3.
Si Jesus ay magpupuno sa langit bilang Hari ng Kaharian ng Diyos. At ang Diyos ay pumipili sa sangkatauhan ng mga maghaharing kasama niya. Sinasabi ng Bibliya kung ano ang ginagawa ni Kristo sa gayong mga pinili: “Sila’y iyong ginawang kaharian at mga saserdote sa ating Diyos, at kanilang paghaharian ang lupa.”—Apocalipsis 5:10; 2 Timoteo 2:11, 12.
Sinabi ni apostol Juan na yaong mga “binili sa lupa” upang maghari sa langit na kasama ni Kristo ay may bilang na 144,000. Sila’y isang “munting kawan” kung ihahambing sa lahat ng bibigyan ng buhay na walang hanggan. (Apocalipsis 14:1-3; Lucas 12:32; Juan 10:16) Sa mga iyan na may pag-asang mapasa-langit, si Kristo ay nangako: “Ang magtatagumpay ay pagkakalooban ko na kumain sa punungkahoy ng buhay, na nasa paraiso ng Diyos.” (Apocalipsis 2:7; Juan 16:33; 1 Juan 5:4) Ang makasagisag na “paraiso ng Diyos” na ito ay nasa di-nakikitang langit.
Subali’t, tama bang isipin na ang langit ang tanging paraiso na iniaalok sa lahat ng mga tagasunod ni Jesus? Yamang ang nasabing magnanakaw ay hindi nagtagumpay sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang landasin ng katapatan sa Diyos kundi makatuwiran na pinatay siya dahilan sa kaniyang masasamang gawa,ano bang
Paraiso ang ipinangako sa kaniya ni Kristo?Anong Paraiso ang Ipinangako sa Magnanakaw?
Isa sa mga magnanakaw na nakabayubay na katabi ni Jesus ang nagsabi: “Ikaw ang Kristo, hindi ba? Iligtas mo ang iyong sarili at kami.” Subali’t siya’y sinaway nitong isa pang magnanakaw. At bumaling siya kay Jesus at ang sabi: “Alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” Nang magkagayo’y sinalita ni Jesus ang kahanga-hangang pangako: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo sa araw na ito, Ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”—Lucas 23:39-43.
Nasaan ba ang ipinangakong Paraisong ito? Ang pagkasalin ng talatang ito sa maraming salin ng Bibliya ang nakaimpluwensiya sa paniwala ng maraming tao tungkol dito. Karamihan ng Bibliya ay isinalin na gaya niyaong sa Revised Standard Version: “Katotohanang, sinasabi ko sa iyo, sa araw na ito ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.” Sa gayon, ayon sa gayong mga salin, sa mismong araw na namatay si Jesus at ang magnanakaw ay nagtungo sila sa Paraiso. Subali’t, papaano mangyayari iyon, gayong sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay nagtungo sa Hades, o Sheol, pagkamatay niya? Tungkol sa kaniyang pagkabuhay-muli roon makalipas ang tatlong araw, sinabi ni apostol Pedro: “Hindi siya pinabayaan sa Hades [Sheol, sa Hebreo] . . . Ang Jesus na ito ay binuhay-muli ng Diyos.”—Gawa 2:31, 32; Awit 16:10.
Sapagka’t si Jesus ay maliwanag na nasa Sheol, o Hades (ang pangkalahatang libingan ng sangkatauhan), bago siya binuhay-muli, ang Commentary on the Holy Scriptures ni J. P. Lange ay nagsasabi: “Gayunman, ang dapat na maging pagkaunawa natin sa Paraisong ito ay hindi ang makalangit na Paraiso . . . kundi ang bahagi ng Sheol na kasalungat ng Gehenna, at tinatawag din na Paraiso.”
Sa Commentary on the Gospels ni D. D. Whedon ay nagbibigay siya ng mga ilang saligang impormasyon tungkol sa ganitong pagkakilala sa Paraiso, at ang sabi: “Ang pangalan [na Paraiso] ay inilipat ng Iglesyang Judio [buhat sa orihinal na Paraiso sa Eden] tungo sa pinagpalang bahagi ng Hades, o yaong kalagayan na nasa pagitan ng kamatayan at ng pagkabuhay-muli. Walang alinlangan na intensiyon ni Jesus na tawagin ito, ng salitang Paraiso, sa harap ng naghihingalong magnanakaw.”
Ang Paraiso ba’y isang “pinagpalang bahagi ng Hades”? Marahil isang paniwala ito na nanggaling sa mga gurong Judio; tunay na hindi ito itinuturo ng banal na Kasulatang Hebreo. Hindi tinatanggap ng karamihan ng mga klerigo ngayon na ang Paraiso ay isang bahagi ng Hades. Sinasabi ng The Catholic Encyclopedia: “Sang-ayon sa umiiral na interpretasyon ng mga teologo at komentaristang Katoliko, ang paraiso sa kasong ito ay ginagamit na kasingkahulugan ng langit ng mga pinagpala
na doon makakasama ng magnanakaw ang Manunubos.”Maraming manunulat na Protestante ang sumasang-ayon sa paniwalang ito ng mga Katoliko. Ganito ang bulalas ni J. G. Butler, sa kaniyang komentaryo na The Bible-Work: “Anong ligayang araw para sa mamamatay na taong iyan! Sa umaga ay isa siyang salarin na hinatulan sa harap ng makalupang hukuman; bago magtakipsilim sa burol ng Sion ay naroon siya’t nakatayo na aprobado sa harap ng hukuman sa langit.”
Nguni’t hintay muna! Nakita natin na, sang-ayon sa Bibliya, si Jesus ay naparoon sa Sheol, o Hades, nang siya’y mamatay, hindi sa langit. Siya’y patay nang tatlong araw, walang malaytao sa pangkalahatang libingan ng sangkatauhan. (Eclesiastes 9:5, 10) Samakatuwid ay hindi siya sa langit nagpunta. Sinasabi ng Bibliya na si Jesus ay bumalik sa langit 40 araw pagkatapos na siya’y buhaying muli.—Gawa 1:3, 6-11.
Maliwanag, si Jesus ay nangako lamang noon sa magnanakaw na ito’y kaniyang bubuhayin sa Paraiso; hindi ibig sabihin ni Jesus na ito’y mabubuhay sa Paraiso sa mismong araw na iyon. Samakatuwid ang tamang salin ng mga salita ni Jesus ay: “Katotohanang sinasabi ko sa iyo sa araw na ito, Ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.” Kung ilang mga salin ng Bibliya ang may ganitong pagkasalin, at isa na roon (ang kay Lamsa) ang may ganitong talababa: “Ang mga sinaunang teksto ay walang bantas. Ang comma (kuwit) ay maaaring bago o pagkatapos ng sa araw na ito.”
Saan nga naroroon yaong Paraiso na ipinangako ni Jesus sa magnanakaw? At kailan tatamasahin ang buhay doon?
Isang Makalupang Paraiso
Tandaan, nabanggit na natin ang tungkol sa paglalang ng Diyos sa unang-unang Paraiso sa Eden dito mismo sa lupa. Malinaw na layunin ng Diyos na magkaroon ng isang makalupang Paraiso na doo’y magtatamo ang sangkatauhan ng walang hanggang buhay sa kapayapaan at katiwasayan. Sa palagay mo kaya’y tutulutan ng Diyos na hindi matupad ang kaniyang layuning ito? Hindi! “Lahat ng ikinalulugod ko ay gagawin ko,” aniya. “Aking sinalita; akin din namang pangyayarihin.” (Isaias 46:10, 11) Oo, gagawin ng Diyos ang kaniyang pinanukala! At ang kaniyang pangako ay: “Mamanahin ng matuwid ang lupa, at sila’y tatahan dito magpakailanman.”—Awit 37: 29.
Kaya’t pagka binasa natin ang pangako ni Jesus na Paraiso sa magnanakaw, gunigunihin natin na ang buong lupa ay ginawang isang magandang dakong tirahan, tulad ng isang mabungang halamanan, sapagka’t iyan ang ibig sabihin ng salitang “paraiso.” Si Jesus ba ay dirito sa lupa sa Paraiso kasama ng dating magnanakaw? Hindi, kundi si Jesus ay doroon sa langit at magpupuno bilang Hari sa makalupang Paraiso. Siya’y makakasama ng taong iyon sa diwa na Kaniyang ibabangon ito buhat sa mga patay at aasikasuhin ang kaniyang mga pangangailangan sa buhay, kapuwa materyal at espirituwal.
Marahil ang magnanakaw ay hindi isang tapat na Kristiyanong mánanagumpáy na kuwalipikadong magtamo ng buhay bilang kasamang hari ni Kristo sa langit. Siya’y gumawa ng kasamaan, gaya rin ng angaw-angaw na mga taong bubuhayin ni Jesus. (Gawa 24:15) Nguni’t ginawa nila ang kasamaang ito sapagka’t wala silang malay sa kalooban ng Diyos. Kaya’t sa Paraiso ay tuturuan sila ng kalooban ng Diyos, at magkakaroon sila ng pagkakataon na patunayan na talagang iniibig nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kaniyang kalooban.
Isang Larawan ng Paraiso
Bagaman sinasabi ng New Catholic Encyclopedia na ang Paraiso ay “isang dakong naiiba sa lupa,” ganito naman ang sinabi pa: “Ang kapayapaan at sakdal Is[aias] 11:6-11.” Gunigunihin ang marikit na Paraisong inilarawan doon.
na katarungang paiiralin ng mesiyanikong hari ay magiging katulad niyaong sa Paraiso saPagkatapos banggitin ang tungkol sa paghahari ng Mesiyanikong Hari, si Jesu-Kristo, ang nakababagbag-pusong hulang ito sa Isaias kabanata 11 ay patuloy na nagsasabi sa mga Isa 11 talatang 6 hanggang 9: “Ang lobo ay aktuwal na tatahang sandali kasama ng lalaking kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing, at ang guya at ang batang leon at ang patabaing hayop na magkakasama; at isa lamang munting batang lalaki ang papatnubay sa kanila. At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping. At kahit na ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka. At ang batang pasusuhin ay tunay na maglalaro sa lungga ng cobra; at sa lungga ng isang makamandag na ahas ay aktuwal na isusuot ng isang batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay. Sila’y hindi mananakit o lilikha ng ano mang pinsala sa aking buong banal na bundok; sapagka’t ang lupa ay mapupuno nga ng kaalaman tungkol kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa mismong dagat.”
Saan ba matutupad ang mga kalagayang mala-Paraiso na kayganda-ganda ang pagkalarawan? Ang mga guro ng relihiyon ng Sangkakristiyanuhan ay hindi naniniwala na ito’y aktuwal na matutupad sa lupa. “Lahat ng mga katangian ng larawan na ipininta ni Isaias ay may tanda ng umiiral na makalupang buhay,” ang sabi ni Propesor J. P. Lange. Subali’t isinusog niya: “Sa larangang ito ay hindi natutupad ang hula. Kailangang ipagpalagay natin na may bagong saligan ang espirituwal, na niluwalhating buhay bilang katuparan nito.”
Datapuwa’t makasagisag bang inilalarawan ng hulang ito ang kapayapaan at katiwasayan na tatamasahin ng mga tao sa isang makalangit na paraiso? Hindi! Ang inilalarawan nito’y mga kalagayan dito mismo sa lupa. Umiiral na ngayon sa loob ng organisasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong lupa ang isang kalagayan
ng kasaganaan sa espiritu, ng kapayapaan at katiwasayan, ayon sa pagkaganda-gandang pagkalarawan ng propeta ng Diyos na si Isaias. Gayunman, ang ganoon kayang malaparaisong mga kalagayan ay matutupad sa literal na paraan sa takdang panahon?Totoo,karamihan ng mga guro ng relihiyon sa Sangkakristiyanuhan ay marahil iismid sa paniwala na pangyayarihin ng Diyos na ang mga hayop ay magkaroon ng mapayapang pakikipagsamahan sa isa’t-isa at sa mga tao. Nguni’t makapananalig tayo na pangyayarihin ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang gayong kamangha-manghang pagbabago sa daigdig ng mga hayop. Isang komentarista ng Bibliya ang nagsabi tungkol sa hulang ito sa Bibliya: “Kung lahat nito ay talinghaga, ano’t may detalyadong mga pangungusap tungkol sa pagbabago sa mga hayop? Lalabas din na mayroon tayo rito ng isang paralelismo o paghahambing sa kalagayan bago nahulog sa pagkakasala ang tao. Bago pumasok sa sanlibutan ang kasalanan ang mga hayop ang katulong ng tao at siya ang nagbigay ng pangalan sa mga ito. Lahat ng ginawa ng Diyos ay mabuti. Ang pagkakaalit ng tao at ng mga hayop, humigit-kumulang, ay hindi umiiral.”
Oo, anong gandang paghahambing nitong paglalarawan ni Isaias ng paghahari ng Mesiyas at ng mga kalagayan na umiral sa halamanan ng Eden! Doon, ang “kaalaman tungkol kay Jehova” ay sagana, sapagka’t ang Diyos ay walang pagsalang nakikipag-usap sa kaniyang sakdal na anak sa lupa, si Adan. Sinasabi ng Bibliya na noon ang mga hayop ay binigyan ng “lahat na sariwang pananim bilang pagkain.” Sila’y hindi nagsisikain ng kanilang mga kapuwa hayop. (Genesis 1:30) At ang mga hayop ay napasasakop sa tao, kanilang sinunod ang utos na pumaroon sa kaniya upang tanggapin ang pangalang itatawag niya sa kanila.—Genesis 2:19, 20.
Anong ligaya nga kung ang ganiyang kalagayan ng pagkakasundu-sundo at ng katiwasayan ay iiral na sa buong lupa! Anong laking pagpapala ang mabuhay sa isang maningning na makalupang Paraiso na doo’y mag-iibigan ang lahat ng tao at ang kapayapaang ito sa gitna ng mga tao ay mababanaag pa rin sa daigdig ng mga hayop! Oo, ang Bibliya ay may ipinangakong makalupang Paraiso!
[Larawan sa pahina 7]
Ang mga kalagayang ito ay tunay kayang iiral sa lupa?