Anong Pangalan ang Ginagamit Mo Para sa Diyos?
Anong Pangalan ang Ginagamit Mo Para sa Diyos?
Alam ma ba kung anong pangalan ang ginagamit sa Bibliya nang mahigit kaysa ano mang ibang pangalan? David ba? Abraham? o Jesus?
Kung naalaala mo ang alinman sa mga pangalang iyan, mawiwili kang basahin ang seryeng ito, sapagka’t ang pinakamahalagang pangalan sa Bibliya ay ginagamit nang lalong madalas kaysa lahat ng mga pangalang iyan pagsama-samahin man.
ISANG lathalaing relihiyoso ang bumanggit na pagka sinabi mo raw na iniibig mo ang sinuman ay tinatawag mo ang taong iyon sa pangalan. Hindi mo sasabihin: “Lalaki, iniibig kita.” O: “Babae, iniibig kita.” Sa halip, ang sasabihin mo: “John, iniibig kita.” O: “Margaret, iniibig kita.” Pagkatapos ay itinatanong: “Ano bang pangalan ang maibibigay mo sa Diyos upang siya’y maging lalong personal at matalik sa iyo?”
Tinatalakay niyaon ang tanong na ito nang isang buong pahina, at kahit minsan ay hindi binabanggit ang pangalan na itinatawag ng Diyos sa kaniyang sarili. Yao’y nagtatapos: “Ang pangalang pinipili mo upang magkaroon ka ng matalik na kaugnayan sa Diyos ay depende sa iyo.” Subali’t, hindi ba mas mainam na gamitin ang pangalang pinili ng Diyos para sa kaniyang sarili, na ginagamit nang libu-libong beses sa Bibliya?
Talaga Bang May Pangalan ang Diyos?
Oo, mayroon. Sa Hebreo at Griego na orihinal na mga wikang ginamit sa pagsulat ng Bibliya, ang salitang “diyos” ay hindi laging tumutukoy sa tunay na Diyos. Tulad kung sa Ingles, maaaring gamitin ito sa mga huwad na diyos at mga idolo. Kaya’t papaano makikita ang ipinagkakaiba ng tunay na Diyos at Maylikha sa gawang-taong mga diyos? Sa pamamagitan ng paggamit ng personal na pangalan. Subali’t maraming tao ang hindi nakakaalam ng pangalan ng Diyos, at totoong kakaunti ang gumagamit nito sa ngayon.
Sa katunayan, baka sa iyong sariling Bibliya ay hindi mo nakikita ang pangalan ng Diyos. Bakit? Sapagka’t ang mga taong nagsalin sa Ingles ng iyong sipi ng Bibliya ay baka gumawa roon ng mga pagbabago. Baka hindi sila kasang-ayon ng mga manunulat ng Bibliya na kinasihan ng Diyos na gamitin ang pangalang ito nang libu-libong beses sa Kasulatang Hebreo.
Ang Authorized Version, na malaon nang ginagamit ng mga mambabasang Ingles ang wika, ay katatagpuan ng pangalan ng Diyos, hindi nang halos 7,000 beses na gaya ng paglitaw nito sa Hebreo, kundi sa ganang sarili ay lumilitaw Exodo 6:3; Awit 83:18 at Isaias 12:2; 26:4. May mga ibang salin na hindi gumagamit ng pangalan ng Diyos kahit minsan. Kanilang kinaltas ang pangalan ng Diyos buhat sa kaniyang sariling aklat!
ito nang apat na beses lamang saMaliwanag na ang PANGALANG ito ay lalong mahalaga kaysa mga salitang inihalili rito ng mga tagapagsalin, kaya’t ang mga salitang inihalili rito ng mga ibang tagapagsalin ay kanilang nilimbag sa malalaking titik (capitals), upang ipagbigay-alam sa may kaalamang mga mambabasa kung saan lumilitaw sa orihinal na teksto ang pangalan ng Diyos. Isang kilalang ensayklopedia ang nagpapaliwanag: “Dapat tandaan na ang pangalang Hebreo na Jehova ay karaniwan nang isinasalin, sa bersiyong Tagalog, sa salitang PANGINOON (kung minsa’y DIYOS), at nakalimbag sa maliliit na capitals.” Kaya pagka nakita mo ang salitang “PANGINOON” na ganito ang pagkalimbag, sinasabi sa iyo ng tagapagsalin na ang sariling pangalan ng Diyos, na JEHOVA, ay ginagamit sa orihinal na wika.—McClintock and Strong’s Cyclopedia, 1981, Tomo IV, pahina 811.
Nakita mo man o hindi sa iyong Bibliya ang pangalang ito, ito ay naroroon sa orihinal na tekstong Hebreo. Sang-ayon sa mga Alemang iskolar na sina Keil at Delitzsch ang ekspresyong “Jehovah Elohim” (Jehovang Diyos) ay lumilitaw nang 20 beses sa pinakaunti ay 50 talata ng Genesis kabanata 2 at 3. Kanilang sinasabi na “ito’y ginagamit nang may pambihirang pagdiriin, upang patingkarin na si Jehova ay talagang Elohim,” o Diyos.—Commentary on the Old Testament, nila Keil at Delitzsch, 1973, Tomo I, pahina 72, 73.
Sa katunayan, ang sariling pangalan ni Jesus ay nangangahulugan ng “Pagliligtas ni Jah [Jehova].” At binibigkas mo ang isang pinaikling anyong tula ng pangalan ni Jehova tuwing sasabihin mo na “Hallelujah.” Maaari mong tingnan ang Hallelujah sa isang diksiyonaryo at makikita mong ang ibig sabihin nito ay ‘Purihin si Jah,’ o ‘Purihin si Jehova.’
Tandaan, ang Jehova ay sariling pangalan ng Diyos. Ito ang pangalan na KANIYANG pinili upang dito siya makilala. Ibig mo bang malaman kung paanong ang paggamit ng pangalang ito ay makapagpapalawak ng iyong pagpapahalaga sa Diyos at sa kaniyang mga layunin? Iyan ang paksa ng sumusunod na mga artikulo.