Dapat Bang Gamitin ang Pangalan?
Dapat Bang Gamitin ang Pangalan?
MARAMING tao ang hindi maalwan sa paggamit sa banal na pangalan ng Diyos. Ang pangalang ito ay nakikita ng taimtim na mga Judio sa kanilang mga Bibliya, nguni’t inaakala nilang hindi ito dapat bigkasin. Marami
pang mga ibang taong relihiyoso ang nag-aatubili na gamitin ito.Datapuwa’t, minsan ay narinig ng buong bansang Israel na binigkas ng Diyos ang kaniyang pangalan. Kanilang narinig na kaniyang binigkas iyon nang wasto. Sa Bundok Sinai ay kanilang narinig iyon nang makawalong beses sa Sampung Salita, o Sampung Utos, na narinig nilang sinalita buhat sa langit.—Exodo 20:2-17.
Kung ginamit ng nagsalin ng iyong kopya ng Bibliya ang pangalan ng Diyos kung saan lumilitaw iyon sa orihinal na Hebreo, makikita mo na ang mga utos na iyon ay nagsisimula sa pangungusap na: “Ako’y si Jehova na iyong Diyos, na naglabas sa iyo sa lupain ng Ehipto, sa bahay ng mga alipin. Huwag kang magkakaroon ng mga ibang diyos sa harap ko.” Ganito ang pagkasalin dito ng The Living Bible: “Ako’y si Jehova na iyong Diyos . . . Huwag kang sasamba sa ibang diyos maliban sa akin.” (Exodo 20:2, 3) Kung ang pangalan ng Diyos ay hindi ginamit ng mga nagsalin ng iyong Bibliya, baka ang salitang “PANGINOON” ay inilagay nila sa capitals upang ipakita na Ang Pangalan ay lumilitaw sa orihinal na talata.
Wala kang mababasa sa Kasulatan na nagsasabing ang pangalang ito ay hindi dapat gamitin. Ang sinabi ng Diyos ay na huwag gagamitin ang kaniyang pangalan “sa kapalaluan,” o “sa walang kabuluhan.” Nguni’t hindi ibig sabihin na hindi natin dapat gamitin ang pangalan. Kundi, ang ibig sabihin ay na hindi dapat gumawa ang mga lingkod ni Jehova ng mga bagay na sumisira sa kaniyang pangalan.—Exodo 20:7.
Si Moises, na ginamit upang isulat ang utos na ito sa Bibliya, ay hindi ang pagkaunawa rito’y ibinabawal na gamitin ang pangalan ng Diyos, sapagka’t ang pangalang iyan ay isinulat niya nang daan-daang ulit sa Pentateuch, ang unang limang aklat ng Bibliya. Imbis na huwag gamitin ang pangalan, sinabi ni Moises: “Dinggin mo, Oh Israel: si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova. At iibigin mo si Jehova na iyong Diyos ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo at ng buong lakas mo.”—Deuteronomio 6:4, 5.
Hindi ipinakikita ng Bibliya na ang pangalang Genesis 4:1) Sang-ayon kay Moises ay ginamit ito ng matuwid na si Abraham, na si Abraham ay tumawag “sa pangalan ni Jehova ang walang hanggang Diyos,” bagaman ang bagay na ito ay ikinubli ng maraming modernong salin ng Bibliya.—Genesis 21:33.
ito’y itinago o hindi binigkas. Sa halip, ipinakikita na sa loob ng maraming siglo ay ginagamit ito nang malaganap. Sa Bibliya ay sinisipi si Eva sa kaniyang paggamit nito. (Ginamit ni Abraham ang pangalan ni Jehova nang nakikipag-usap sa hari ng Sodoma. Ginamit ito ni Sara sa pakikipag-usap kay Abraham. Regular na ginagamit ito ng lingkod ni Abraham. Si Jacob, ang kaniyang asawang si Raquel at ang ama nito, si Laban, ay pawang gumamit ng pangalan ng Diyos.—Genesis 14:22; 16:2; 24:35, 42, 44; 28:16; 30:24, 27, 30.
Kay Moises ay iniutos na gamitin ang pangalan ng Diyos. Ginamit ito nina Moises at Aaron sa pakikipag-usap sa di-sumasampalatayang si Faraon, at sa kaniyang pagtugon ay ginamit din ito ni Faraon. Sinabi niya: “Sino ba si Jehova, at ano’t susundin ko ang kaniyang tinig na payaunin ang Israel?”—Exodo 5:1-3; 3:15.
Makalipas ang mga daan-daang taon hindi pa rin itinuring ng mga tao na ang pangalan ni Jehova ay hindi dapat bigkasin. Kanilang ginamit iyon sa pakikipag-usap kay Samuel, at kaniyang ginamit ito sa pagtugon sa kaniya. (1 Samuel 12:19, 20) Inawit ito sa madla ng matuwid na si Haring David nang kaniyang sabihin: “Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kongregasyon ay pupurihin kita. Kayong mga natatakot kay Jehova, purihin ninyo siya!”—Awit 22:22, 23.
Hindi inakala ng dakilang propetang si Isaias na ang pangalang ito ay dapat na ipagwalang-bahala. Kaniyang ginamit ito nang mahigit na 400 beses sa aklat ng Bibliya na may taglay ng kaniyang pangalan.
Hindi sinabi ni Isaias sa kaniyang mga Judiong mambabasa na huwag gamitin ang pangalan ng Diyos. Bagkus, sinabi niya: “Magpasalamat kayo kay Jehova, kayong mga tao! Magsitawag kayo sa kaniyang pangalan. Ibalita ninyo sa gitna ng mga bayan ang kaniyang mga pakikitungo. Banggitin ninyo ang kadakilaan ng kaniyang pangalan. Magsiawit kayo kay Jehova, sapagka’t siya’y gumawa ng mga dakilang bagay. Ito’y napabalita sa buong lupa.”—Isaias 12:4, 5.
Mayroon bang nagpapahiwatig man lamang
dito na dapat ngang itago ang kaniyang makapangyarihang pangalang ito, na ito baga’y di-dapat gamitin? at halinhan ng ibang salita? Ang mga tagapagsalin na nag-aalis ng pangalan ng Diyos sa kanilang sariling aklat ay nagpapakilalang sila’y walang pagpapahalaga sa pangalan na gaya ng pagpapahalaga nina Abraham, Sara, Jacob, Moises, Aaron, Samuel, David at Isaias na pawang maytakot sa Diyos.Ang pangalang ito ay hindi rin naman ikinubli ng mga nahuling propeta, sa pag-iisip na ito’y totoong sagrado upang gamitin o na ang mga naunang manunulat ng Bibliya ay nagkamali at na ang pangalang ito’y dapat halinhan ng ibang salita. Ang kanilang mga pasabi ay puno ng mga pangungusap na tulad nito: “Dinggin ninyo ang salita ni Jehova.” “Ganito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel.” “Ganito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova.”—Jeremias 2:4; 19:15; Ezekiel 21:28.
Ang pangalang ito ay hindi lamang sa mga bagay na tungkol sa relihiyon ginagamit. Hindi lamang mga guro ang gumagamit nito kundi pati karaniwang mga tao ay gumagamit ng pangalan ng Diyos sa karaniwang pag-uusap-usap. Sinasabi ng Bibliya na sinabi ni Boaz sa mga manggagawa sa kaniyang bukid: “Suma-inyo nawa si Jehova.” Sila naman ay tumutugon: “Pagpalain ka nawa ni Jehova.”—Ruth 2:4.
Ang mga arkeologo ay nakasumpong ng patotoo sa mga sinasabi ng Bibliya na ginagamit noon ng mga tao ang pangalang ito. Noong 1930’s kanilang natuklasan ang Lachish Letters, mga piraso ng palayok na ayon sa paniniwala’y mula pa noong pananakop ng mga Babiloniko noong ikapitong siglo B.C.E. Ang mga ito’y paulit-ulit na gumagamit ng pangungusap na gaya ng: “Harinawang pangyarihin ni YHWH [Yahweh, o Jehova] na mapakinggan sa mismong araw na ito ng aking panginoon ang mabubuting balita!”
Maging ang mga di-Israelita man ay nakakaalam at ginagamit nila ang pangalan ng Diyos. Sinabi kay Josue ng mga Gibeonita: “Ang mga lingkod mo ay naparito dahilan sa pangalan ni Jehova na iyong Diyos, sapagka’t nabalitaan namin ang kaniyang kabantugan at lahat ng ginawa niya sa Ehipto.” (Josue 9:9) Noong ikasampung siglo bago ng ating Karaniwang Panahon, ang kaaway ng Israel na si Mesha, hari ng Moab, ay nag-utos na ang pangala’y isulat sa Moabite Stone, na natuklasan uli noong 1868 at ngayo’y nakadispley sa museo sa Louvre sa Paris.
Ang mga katotohanang ito ay hindi dapat pagtakhan. Imbis na ipahiwatig nito na ang pangala’y pansarili at lihim na anupa’t hindi dapat gamitin, sinabi ni Moises sa mga tao: “At makikita ng lahat ng mga bayan sa lupa na ang pangalan ni Jehova ay itinawag sa iyo.” (Deuteronomio 28:10) Papaano mangyayari iyan kung kahit na ang mga sumasamba sa kaniya ay hindi gumagamit ng kaniyang pangalan?
Imbis na hindi sambitin ang pangalan, iyon ay pinaparangalan, iniibig, iginagalang. Ginagamit iyon noon sa pagbibigay ng pangalan sa mga lugar, at maging sa mga tao man. Ang dakong pinaroonan ni Abraham upang doon ihain si Isaac ay kaniyang tinawag na “Jehova-jireh.” (Genesis 22:14) At ang mga sumusunod na pangalan ay kabilang sa mga kilalang pangalan sa Bibliya na sa kahulugan ay kasangkot si Jehova, o Jah, ang pinaikling patulang anyo ng pangalan ni Jehova: Ezekias, Isaias, Josias, Nehemias, Obadias, Zacarias at Zefanias. Ginagamit ng mga tao ang pangalan ng Diyos sa kahit na pangalan ng kanilang mga anak ngayon. Oo, ang kahanga-hangang pangalan ng Diyos ay baka isinanib sa iyong sariling pangalan! May kilala ka bang ang pangalan ay Joel? Ang kahulugan ng kaniyang pangalan ay, “Si Jehova ay Diyos.” At ang Jonathan? Ang ibig sabihin nito ay, “Ibinigay ni Jehova.” Ang ibig sabihin ng Joshua ay, “Si Jehova ay kaligtasan.” At sinuman na may karaniwang pangalan na Juan ay may pangalan na ang ibig sabihin ay, “Mapagmahal si Jehova.”
Samakatuwid sa kabila ng paniniwala ng ibang mga tao na napakasagrado ang pangalan ng Diyos upang sambitin, at ng iba na ito raw ay dapat nang kaligtaan, walang ano mang dahilan na ito’y alisin sa Bibliya. Kalakip ito ng lahat ng mga pangalan sa Bibliya na ginamit sa loob ng maraming daan-daang taon noong alam ng mga tao ang banal na pangalan ng Diyos na JEHOVA at kanilang ginagamit ito sa panalangin, sa pagsamba at sa karaniwang pag-uusap.
Subali’t komusta ang tungkol naman sa Kasulatang Kristiyano, na kadalasa’y tinatawag na Bagong Tipan? Ang pangalang Jehova ay kasanib sa mga pangalang Jesus at John, at sa salitang “Hallelujah,” nguni’t bakit hindi ito lumilitaw nang lalong madalas? Ang sagot sa mahalagang tanong na iyan ay tatalakayin sa sumusunod.
[Kahon sa pahina 5]
Papaano ba ang Pagbigkas sa Pangalan?
Dahilan sa pagkukulang ng relihiyon, nawala ang orihinal na bigkas ng salitang Hebreo na יהוה. Ang bigkas ng ibang iskolar ay “Yahweh,” subali’t walang pagkakakilanlan kung anong bigkas ang tama.
Datapuwa’t kalimitan ang mga pangalan ay iba’t-iba ang bigkas sa iba’t-ibang wika. Sa Tagalog ang tawag natin sa unang Kristiyano na namatay alang-alang sa kaniyang pananampalataya ay Esteban, nguni’t ang tawag sa kaniya ng mga Pranses ay Étienne. Ang tawag kay Jesus ay Ye·shuʹaʽ, o Yehohshuʹaʽ, sa Hebreo, I·e·sousʹ sa Griego.
Hindi como hindi natin binibigkas ang pangalan ni Jesus—o ang pangalan ng sinuman—nang kagayang-kagaya ng bigkas sa orihinal na wika ay kalilimutan na natin ang pangalan. Basta binibigkas natin iyon ayon sa ating wika.
Kaya, ganito ang sabi ng aklat na Aid to Bible Understanding: “Yamang hindi na matiyak ngayon ang bigkas, waring walang dahilan na ang lubhang kilalang anyong Ingles na ‘Jehovah’ ay halinhan ng ibang iminumungkahing bigkas. . . . Sa Ingles ang pangalang ‘Jehova’ ay nagpapakilala sa tunay na Diyos, at nagpapahayag ng kaisipang ito nang lalong mabisa kaysa alinman sa mga panghaliling iminumungkahi.”—Pahina 885.
[Mga larawan sa pahina 6]
KANILANG TINAWAG ANG DIYOS SA PANGALAN
Abraham
Sara
Raquel
David
Samuel