Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Ang Diyos ang Nagpapalago Nito’

‘Ang Diyos ang Nagpapalago Nito’

‘Ang Diyos ang Nagpapalago Nito’

Magsasaka ang nagtatanim ng binhi, nagdidilig at nag-aalaga nito, nguni’t siya’y dapat matiyagang maghintay na ang Diyos ang magpalago nito hanggang sa gumulang ito. Ganito rin kung tungkol sa mga ministrong Kristiyano. Gaya ng sinabi ni apostol Pablo: “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, nguni’t ang Diyos ang patuloy na nagpalago.” (1 Corinto 3:6) Bagaman tayo ang nagdadala ng “mabuting balita” at nagtuturo ng Salita ng Diyos sa mga taong interesado, ang Diyos ang nagpapapangyaring ang “binhi,” o itinanim na salita ay lubusang lumago upang sila’y maging mga Kristiyano, gaya ng ipinakikita ng sumusunod na karanasan.—Mateo 24:14; Lucas 8:11-15.

“Noong 1953 ay sinimulan ko ang pakikipag-aral ng Bibliya “kay Mable at sa kaniyang inay. Nakapagsagawa kami ng tatlong pag-aaral. Nguni’t isang mahigpit na mananalansang ang lalaking asawa ni Mable kaya ipinagbili niya ang bahay at ang kaniyang pamilya ay inilipat niya sa ibang lugar. Kaylaki-laki ng pag-ibig niya (ni Mable) sa Bibliya kaya madalas na naiisip ko kung ano kaya ang nangyari sa kaniya.

“Noong nakaraang buwan ay tumanggap ako ng ganitong liham, na nagpaunawa sa akin na si Jehova ang nagpapalago ng ‘binhi.’

‘Dear Virginia,

‘Sa wakas ay magkapatid na rin tayo pagkalipas ng mahabang mga taon. Inaasahan kong hindi mo inaakalang kinalimutan ko na ang katotohanan. Nagtagal lamang ang maraming taon bago ako pinalakas nang husto ng espiritu ni Jehova upang makapanindigang matatag.

‘Malimit na pinag-iisipan ko ang “mga binhi” na itinanim mo marami nang taon ngayon ang nakalipas, at ibig ko lamang malaman mo na sa wakas ay tumubo rin sa akin.’”