Pagpapakita ng Nagliligtas ng Buhay na Pag-ibig sa Kapuwa
Pagpapakita ng Nagliligtas ng Buhay na Pag-ibig sa Kapuwa
ANG taon ay 1559 ng ating Karaniwang Panahon. Si Prince William ng Netherlands at si King Henry ng Pransiya ay nasa isang pangkat ng mga mamumundok sa isang kanugnog-pook ng Paris. Nang sila’y magkaroon ng pagkakataong magsarili, pinag-usapan ng dalawa ang isang plano ni King Philip ng Espanya na patayin ang lahat ng Protestante sa Netherlands at sa Pransiya. Ang itinakdang maging mga berdugo ng mga naroroon sa Netherlands ay yaong mga tropang Kastila na nakadistino roon.
Lahat na ito ay nakagitla sa prinsipeng Olandes, sapagka’t wala siyang katiting mang balita tungkol sa gayong plano. a Bagaman siya’y lumaki na isang Katoliko (at may karanasan sa pagka-Lutherano), siya’y nahabag sa lahat ng mga Protestanteng binabalak na patayin. May katalinuhan na hindi siya nagpakita ng anomang pagkamangha o iba pang emosyon nang mapag-alaman niya ang planong pagpatay, kaya siya ay nakilala bilang “si William na Mapaglihim.”
Bago bumalik sa Netherlands, siya’y binigyan ng espesipikong pag-uutos tungkol sa bahagi niya sa kaganapan ng kakila-kilabot na pakanang ito. Subali’t pagdating na pagdating niya sa kaniyang bansa, kaniyang pinukaw ang damdamin ng madla tungkol sa pag-alis ng mga tropang Kastila sa kaniyang bansa. Oo, ginawa niya ang lahat ng magagawa niya upang biguin ang balakyot na planong iyon—at ayon sa nasaksihan, pasimula iyon ng kaniyang tunguhin na pagiging “ang Ama ng kaniyang bayan!”
Si William ay binigyan ng mga pangalan ng ilang “mahuhusay na mga taong pinaghihinalaang may kinalaman sa bagong relihiyon” upang masiguro na hindi nakatatakas ang mga ito. Kabaligtaran ng iniutos sa kanila, kaniyang inabisuhan ang “mahuhusay na mga tao,” kaya sila ay makatakas. Sinabi niya nang bandang huli, na kaniyang “iniisip na lalong kailangang sundin ang Diyos kaysa mga tao.” Sa lahat na ito, si William ay talagang nagpakita b
ng nagbibigay-buhay na pag-ibig sa kapuwa.NAGBIBIGAY NG BABALA NGAYON
Sa ngayon ay may isang grupo ng mga tao, ang Kristiyanong mga saksi ni Jehova, na may ganoon ding motibo. Kanilang binibigyan ng babala ang pinakamaraming tao hangga’t maaari tungkol sa isang malagim na pangyayaring darating sa malapit na hinaharap. Subali’t, ang gayon na magpapahamak sa napakarami sa ngayon ay hindi resulta ng relihiyosong panatisismo ng mga taong binulag dahilan sa pagkapanatiko. Bagkus, yao’y dahilan sa ang matuwid na Diyos ng langit at lupa ay malapit nang kumilos laban sa lahat ng lumalapastangan sa kaniyang pangalan at nagpapahamak sa lupa. Ang katuparan ng hula sa Bibliya ay nagpapatunay na “ang itinakdang panahon” ay minamadali ng Diyos na Jehova “upang ipahamak yaong mga nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:18) Oo, malapit na ang panahon para sa pagsisimula ng pinakamalaking kapighatian kailanman.—Mateo 24:21.
Dahilan sa malapit na ang kapahamakang iyon kung kaya inihahayag ng mga Saksi ni Jehova ang babala ng anghel sa lahat ng umiibig sa katotohanan at katuwiran na naroroon pa sa sakop ng pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon, ang “Babilonyang Dakila”: “Lumabas kayo sa kaniya, . . . kung hindi ninyo nais na makaramay sa kaniya sa kaniyang mga kasalanan, at kung hindi ninyo nais na tumanggap ng bahagi ng kaniyang mga salot.” (Apocalipsis 18:2, 4) Mangyari pa, hindi sapat na ang taimtim na mga taong ito ay humiwalay lamang sa lahat ng huwad na organisadong relihiyon. Kailangan ding tumakas sila para makanlong sa kaharian ng Diyos. Kaya’t ang mga Saksi ay patuloy na nangangaral ng “mabuting balitang ito ng kaharian” sa buong daigdig.—Mateo 24:14.
Kaya naman ginagamit ng mga Saksi ni Jehova ang lahat ng kanilang lakas upang matulungan ang taimtim na mga naghahanap ng katotohanan upang sumunod sa utos na nasa aklat ng Zefanias sa Bibliya: “Hanapin ninyo si Jehova, ninyong lahat na maaamo sa lupa, na nagsigawa nang ayon sa Kaniyang sariling ipinasiyang kahatulan. Hanapin ninyo ang katuwiran, hanapin ninyo ang kaamuan. Kaypala ay makukubli kayo sa araw ng galit ni Jehova.” (Zefanias 2:3) Sa gayo’y tinupad ng mga Saksing ito ang pahimakas na utos ni Jesu-Kristo sa kaniyang mga tagasunod: “Humayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng bansa, bautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu, turuan sila na ganapin ang lahat ng bagay na iniutos ko sa inyo.”—Mateo 28:19, 20.
PANGANGARAL AT PAGTUTURO SA BAHAY-BAHAY
Dahilan sa pagkalapit-lapit na ang araw ni Jehova ng paghuhukom kaya nadarama ng mga Saksi na kailangang apurahang itawag-pansin nila sa mga umiibig sa katotohanan na ang kaharian ng Diyos ang tanging mapagkakanlungan. Yamang ang buhay ay napakahalaga, tunay na isang pagpapakita ng pag-ibig na tulungan ang mga tao sa ganitong paraan.
Ipinakikita ng ulat na ang mainam na pag-uugaling Kristiyano ay nakatulong sa mga ibang tao na lumakad sa daan na patungo sa buhay. Isang peryodistang Ruso na dumadalo noon sa isang kombensiyon ng mga Saksi sa Alemanya ang nagsabi: “Ang inyong ugali ang pinakamagaling ninyong sermon.” Napatunayan ng mga Saksi na ang pagtayo sa mga kanto at pag-aalok ng mga magasin tungkol sa Bibliya ay isang mabisang paraan ng pangangaral ng “mabuting balita.” Bukod diyan, listo ang mga Saksi na humanap o gumawa ng mga pagkakataon upang maipangaral ang mabuting balita ng kaharian
ng Diyos sa mga tao na kanilang nakikilala sa paghahanapbuhay at kung naglalakbay sila, o sa pamamagitan ng kanilang pangangaral sa kanilang mga kamanggagawa. Ipinakikita ng mga pangyayari na lahat ng ganiyang aktibidad ay mabunga rin.Gayunman, maliwanag na kung ang mga lingkod ni Jehova ay sa pamamagitan ng ganito lamang mga uri ng aktibidades nagpapatotoo baka makaligtaan ang marami na kaypala mga umiibig sa katotohanan at katuwiran at karapat-dapat makarinig ng mensaheng babala at ng mabuting balita ng Kaharian. Kaya naman ang mga Saksi ay nagsasagawa ng bahay-bahay na pangangaral. Oo, pagkasipag-sipag nila sa ganitong paraan ng pangangaral kung kaya ito’y naging pinaka-etiketa na, wika nga, ng mga Saksi. Sa isang programa sa TV isang pamilya ang ipinakitang tumutugon sa isang tuktok sa pintuan kasabay ng pagsasabing, ‘Malamang na isa sa mga Saksi ni Jehova.’
Hindi pa gaanong nagtatagal nang ang gawaing ito ng mga Saksi ay ibinawal sa isang bansa sa Sentral Amerika. Nang umapela ang mga Saksi, ang opisyal ng gobyerno na humahawak ng pag-apelang iyon ay nagsabi: ‘Ang mga ibang denominasyon ng relihiyon ay hindi nagbabahay-bahay na tulad ninyong mga Saksi. Ang aktibidad bang ito ay bahagi ng inyong pagsamba?” Sa kaniya’y sinabi na ito’y hindi lamang bahagi ng kanilang pagsamba kundi isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang pagsamba. Ang resulta’y inalis ang pagbabawal.
May matatag na batayan sa Kasulatan ang pagbabahay-bahay ng mga Saksi. Nang suguin ni Jesus ang kaniyang mga alagad, kaniyang iniutos sa kanila na dalhin sa tahanan ng mga tao ang kanilang mensahe. (Mateo 10:7, 12, 13, 42; Lucas 10:5, 6) Isa pa, sinabi ni apostol Pablo sa matatanda sa kongregasyon sa Efeso: “Alam na alam ninyo na mula nang unang araw na ako’y tumuntong sa distrito ng Asia ako’y kasa-kasama ninyo sa buong panahon, . . . at hindi ko ipinagkait ang pagsasabi sa inyo ng ano mang bagay na mapapakinabangan o ang pagtuturo sa inyo nang hayagan at sa bahay-bahay. Kundi ako’y lubusan na nagpatotoo kapuwa sa mga Judio at sa mga Griego tungkol sa pagsisisi sa harap ng Diyos at sa pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.”—Gawa 20:18-21.
Oo, si Pablo ay nagturo sa “bahay-bahay.” Bagaman tiyak na dumalaw siya sa dati nang mga Kristiyano upang palakasin at patibayin-loob sila, hindi natin masasabing ang mga sinabing iyan ni Pablo ay kapit lamang sa gayong mga aktibidades ng pagpapastol. Bakit? Sapagka’t sinabi ni Pablo na siya’y nangangaral ng tungkol sa “pagsisisi sa harap ng Diyos at sa pananampalataya sa ating Panginoong Jesus” sa kapuwa Judio at Griego. Malinaw na ipinakikita niyan na ang mga ito ay hindi pa mga Kristiyano. Kaniyang itinuring na ito’y isang nagliligtas-buhay na gawain, at pinatutunayan ito ng kaniyang sinabi pa na, dahilan sa kaniyang pangangaral, siya ay “malinis buhat sa dugo ng lahat ng mga tao.”—Gawa 20:25-27.
ISANG MAKAHULANG HALIMBAWA
Pinatutunayan ang binanggit na iyan ng hula na nasa Ezekiel kabanata 9, na lumalarawan sa pagbabahay-bahay ng mga Saksi ni Jehova ngayon. Isinasaysay rito ang isang pangitain ni propeta Ezekiel mga 2,500 taon na ngayon ang nakalipas.
Sa naunang kabanata binanggit ng propeta na siya’y binigyan ng pangitain na doo’y makikita ang sarisaring uri ng idolatriya at apostasya na isinasagawa ng mga Judio sa kanilang templo sa Jerusalem. At, sa kabanata 9, isinulat ni Ezekiel ang isang pangitain na doo’y may anim na lalaking may mga armas na pamatay at may ikapitong lalaki na nakabihis ng kayong lino, hindi ng baluti, at may tintero ng manunulat sa kaniyang tagiliran. Sinabihan ang lalaking ito na humayo sa Talatang 4) Ang anim na lalaking may mga armas na pamatay ay sinabihan na sumunod sa kaniya at lipulin ang lahat ng mga walang tanda, oo, lahat ng mga hindi nagbubuntung-hininga at dumaraing dahilan sa lahat ng kabalakyutan na ginagawa sa loob ng lunsod.
lunsod ng Jerusalem at “maglagay ng tanda sa mga noo ng mga lalaking nagbubuntung-hininga at dumaraing dahilan sa lahat ng kasuklam-suklam na mga bagay na ginagawa sa gitna niyaon.” (Papaano hahanapin ng lalaking ito na nakabihis ng kayong lino ang lahat ng nagbubuntung-hininga at dumaraing? Ganito ang paliwanag ng The Watchtower ng Enero 15, 1972: “Hindi basta pagpunta lamang iyon sa liwasang-bayan o sa dakong pamilihan, kundi pagparoon iyon sa tahanan ng mga tao, ang pagbabahay-bahay. Sa ganiyang paraan ay mapapakinggan niya ang kanilang sasambitin na bukal sa kanilang puso at makapapasiya kung sila’y dapat tandaan o hindi sa kanilang noo. Ito’y hindi isang gawaing mabilisan, kundi ang kailangan ay matiyaga at masipag na pagbabahay-bahay o pagtuktok sa mga pintuan at maingat na pagsusuri, hindi nagtatangi ng sinuman kundi nilalagyan ng tanda ang taimtim na nangagbubuntung-hininga dahil sa lahat ng kasuklam-suklam na ginagawa ng iba sa loob ng maharlikang lunsod. . . . kaniyang inilalagay ang nagpapakilalang tanda sa kanilang mga noo na kung saan hayagang makikita ang kaibigan o kaaway.”
Kinailangan noon na ang taong nakadamit-lino ay magbahay-bahay upang lubusang maisagawa ang kaniyang obligasyon na tandaan yaong mga karapat-dapat iligtas, kaya ngayon ay kailangan ding magbahay-bahay ang mga Saksi ni Jehova upang matagpuan ang lahat ng umiibig sa katotohanan at katuwiran at bigyan sila ng pagkakataon na tumakas tungo sa kaharian ng Diyos.
Ano ngayon ang katumbas ng tanda na inilalagay-ng taong nakadamit-lino sa mga noo ng mga karapat-dapat iligtas? Ang pagkakaroon ng tanda sa noo ay sumasagisag sa pagpapaunlad sa isang tulad-Kristong personalidad o pagkatao. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng gayong personalidad karapat-dapat maligtas ang isang tao buhat sa inatasan ni Jehovang mga tagapuksa sa darating na “malaking kapighatian.” (Mateo 24:21) Ang tulad-Kristong personalidad ay makikita ng lahat, gaya ng isang tanda sa noo na nakikita ng lahat. Ang pagpapaunlad ng gayong tulad-Kristong personalidad ay paulit-ulit na ipinapayo sa Kasulatan. Mangyari pa, ang gayong pagmamarka sa isang tao sa noo ay gumugugol ng malaking panahon, lakas at ari-arian, nguni’t ang mga Saksi ni Jehova ay nalulugod na gumawa ng gayong pagsasakripisyo. Sa ganoo’y nagpapakita rin sila ng nagliligtas-buhay na pag-ibig sa kapuwa.—Efeso 4:20-24; Colosas 3:9-11.
Oo, mahalaga ang unang hakbang na pagbabahay-bahay upang matagpuan yaong mga nagsisiibig sa katotohanan at katuwiran na nagbubuntung-hininga at dumaraing dahilan sa umiiral na kabalakyutan, subali’t ito’y unang hakbang lamang. Sa pagpapakita ng nagliligtas-buhay na pag-ibig sa kapuwa ay kailangan ang mga pagdalaw muli at pagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya. Ang gayong mga nag-aaral ng Bibliya ay kailangan ding matuto ng panalangin, ng pakikiugnay sa kongregasyong Kristiyano at ikapit nila ang mga simulain ng Bibliya. At, sila ay kailangan ding makibahagi sa pagbibigay-alam sa iba ng kanilang natututuhan. Lahat na ito’y dapat umakay sa kanila sa pag-aalay ng sarili sa Diyos na Jehova na gawin ang kaniyang kalooban at sila’y pabautismo. Dapat isusog, na ang gayon ay kailangan upang ‘matandaan,’ upang magkaroon ng tulad-Kristong personalidad ang isang tao. At sa pagsasagawa ng ganitong gawain ang mga saksi ni Jehova ay tunay na nagpapakita ng nagliligtas-buhay na pag-ibig sa kapuwa.
[Talababa]
a Ang di-sinasadyang pagkatuklas ng pakanang ito ay baka hulog na nga ng langit, sapagka’t hindi natin alam kung gaanong kalaking pagbabago ang nagawa sa kasaysayan ng Europa at sa pagsulong tungo sa kalayaan ng relihiyon kung sakaling nagtagumpay ang planong iyon.
b Rise of the Dutch Republic, Tomo 1, pp. 239, 240.