Ang Kahulugan ng mga Balita
Ang Kahulugan ng mga Balita
‘Henerasyon ng Armagedon’?
“Limang araw bago daan-daang mga sundalong Amerikano ang masawi sa Beirut sa pagbomba ng mga terorista,” ang sabi ng isang New York Daily Report, “sinasabi ng ulat na si Pangulong Reagan ay nakaalaala ng isang hula sa Bibliya at sinabi niyang naiisip niyang baka ang daigdig ay nakaharap sa ‘Armagedon.’” Sang-ayon sa report ay sinabi ni Reagan sa pakikipag-usap sa telepono kay Thomas Dine, executive director ng American-Israel Public Affairs Committee: “Alam mo, binalikan ko ang inyong mga sinaunang propeta sa Matandang Tipan at ang mga palatandaan tungkol sa Armagedon, at naitatanong ko—kung tayo nga ang henerasyon na makakakita niyaon.” Isinusog niya: “Aywan ko kung napansin mo nitong huli ang alinman sa mga hulang iyon, nguni’t, maniwala ka, talagang tumutukoy iyon sa mga panahong nararanasan natin.”
Mapapansin na nahahalata ng mga lider ng daigdig ang mga tanda ngayon ng maselang na mga panahon. Nguni’t alam ba nila na ang mga tandang ito ay nagpapahiwatig na tayo’y nasa “mga huling araw” ng sistemang ito ng mga bagay? (2 Timoteo 3:1-5; Mateo 24:3-14) Tiyak na hindi, sapagka’t ayaw nilang magpasakop sa tatag na Kaharian ng Diyos na malapit nang humalili sa lahat ng pamahalaan ng tao.—Daniel 2:44.