Ang Kahulugan ng mga Balita
Ang Kahulugan ng mga Balita
“Pamimilipit ng Kabuhayan”
“Ang daigdig ay nasa bingit ng kapahamakan at ng sakuna na likha ng politika,” ang isinulat ni Charles Maynes, editor ng Foreign Policy magasin, at dating U.S. assistant secretary of state, sa The Guardian. Nakikita niya ang pagkalaki-laking utang na may epekto sa politikal na kalakaran ng mga bansa ng Third World hanggang sa punto na nagiging sanhi ito ng mararahas na rebolusyon. “Ang nagpapaunlad na mga bansa ay dumaraan sa pamimilipit ng kabuhayan na nagpapaging bale-wala sa mga tagumpay na kinamit noong nakalipas na maraming taon,” ang sabi ni Maynes. “Ang mga bansang nagkamit ng kasarinlan noong maagang mga taon ng 1960s at nagsimula ng modernisasyon noong maagang mga taon ng 1970s ay nagiging demodernisado na ngayon. Ang pinamuhunanang mga proyekto ay nakatiwangwang, ang mga bata ay hindi natuturuan, ang sakit ay lumalaganap, ang mga pulubi ay naghambalang sa mga kalye, ang mga tao ay nang-aabanse ng mga tindahan ng pagkain . . . Ang buu-buong mga kontinente ay nakasaksi sa paglalaho ng kanilang pag-asa sa hinaharap.”
Sa maselang na mga panahong ito angkop na angkop ngang dinggin ang pantas na mga salita ng salmista: “Kahit na dumami ang iyong kayamanan, huwag kang tumiwala sa mga iyan.” Bagkus, sundin mo at tularan ang kaniyang ginawa: “Ako’y sa Diyos lamang umaasa; sa kaniya ko inilalagak ang aking pag-asa.”—AWIT 62:5, 10, Today’s English Version.