Laging Handa Para sa Wakas
Laging Handa Para sa Wakas
Inilahad ni Herald Toutjian
ANG taon ay 1896. Bugsu-bugsong walang patumanggang karahasan ang sumapit sa walang pananggalang na mga pamayanang Armenian sa Asia Minor. Kaya’t nanganib ang tahanan at pamilya ng aking lolo, si Lucius V. Toutjian, sa sinaunang bayan ng Maras, doon sa kaitaasan ng Kabundukang Taurus sa timog-kalagitnaang Turkey.
Ang daan na maaaring gamitin sa pagtakas ay papatimog sa gawi ng Mediteraneo—subali’t pagtakas patungo saan? Sa Amerika, ang ipinasiya ni lolo. Buong bilis na inihanda ng pamilya ang kanilang mga dadalhin at sila’y tumakas. Sa Tarsus, sinilangang-dako ni apostol Pablo, sila ay binihag at ibinilanggo. Natapos na sana rito ang kuwentong ito kung hindi namagitan ang isang opisyal na Amerikano. Sa tulong niya at sa kadiliman ng gabi ay lumulan ang pamilya sa isang barko sa pinakamalapit na puerto sa Mediteraneo at nagbiyahe pakanluran.
Ang pagbibiyahe patungo sa Amerika ay totoong nakaaantig-damdamin, lalo na para kay lola. Kaniyang iiwan na ang lahat ng itinuturing niya na pinaka-bahagi ng kaniyang tahanan—mga kaibigan, kamag-anak at magagandang alaala ng tahimik at halimuyak-bulaklak na Maras, doon sa tagiliran ng bundok.
Pagkaraan sa Marseilles at London ay nagpapatuloy ang kuwento. Ang dating tahimik na Karagatang Atlantiko ay todu-todo ngayon ang pagngangalit. Gagabundok na mga alon ang patuloy ng paghambalos sa lumalangitngit na barko at kasawian ang patuloy na tumutugaygay sa nagbibiyaheng pamilya. Nang nasa kalagitnaan na sila ng paglalakbay ay biglang-biglang namatay ang pinakabunso ng limang anak at napalibing na sa karagatan. Kaya’t ganiyan na lamang ang nagharing kalungkutan at kawalang katiyakan samantalang ang barko’y pumopondo sa New York. Ang pamilya ay bumaba sa barko at ilang saglit pa’y kahalubilo na sila ng karamihan ng mga tao na paroo’t-parito sa gawing ibaba ng New York sa bandang silangan, na kung saan makikita ang mga tao na kung taga-tagasaang bansa at lahi.
Bakit May Pambihirang Panata?
Mga taon ng kahirapan ang kasunod nang makarating na kami sa New York noong 1896. Hindi madali ang bumagay ka pagdating mo roon sa masalimuot na New York galing sa isang tahimik na bayan sa Turkey. Ang pamilya ay kailangang matuto ng isang bagong wika, makibagay sa isang pambihirang kapaligiran at nakalilitong mga saloobin sa
lipunan. Sila’y malimit na lumilipat nguni’t hindi para humanap lamang ng materyal na mga pangangailangan; si lolo ay totoong palaisip sa espirituwal na mga pangangailangan ng pamilya. Siya’y maraming tanong tungkol sa walang hanggang layunin ng Diyos at sa wakas ay magiging hantungan ng tao. Subali’t para sa isang pamilya na nakaranas ng pag-uusig dahilan sa kanilang relihiyon at lipi, ang nangingibabaw na tanong ay tungkol sa pagpapahintulot na umiral ang kasamaan. Bakit kaya pinahihintulutan ito ng isang maibiging Diyos? Hanggang kailan ito magpapatuloy? Paano at kailan ito magwawakas? Si lolo ay disidido na matagpuan ang mga kasagutan—buhat sa Kasulatan.Itinabi niya pansamantala ang kaniyang dating alam na sa relihiyon at nagsuri siya ng mga relihiyong charismatico, nguni’t hindi pa rin nasagot ang kaniyang mga tanong. “Isang pambihirang sandali,” ang kuwento ng aking ama, “nang kaming lahat ay tinipong samasama ni lolo, at bilang isang pamilya ay nagpanata kami na huwag nang makisama pa sa naturingang mga relihiyong Kristiyano ng Sangkakristiyanuhan na sa pangalan lamang Kristiyano.” Naisip ni lolo na ang katotohanan ay tiyak na nasa iba.
Kanilang natagpuan ang katotohanan nang di-inaasahan bahagya man. Nang sila’y doon pa nakatira sa Allegheny, Pennsylvania ay napansin ni lolo ang isang nakaanunsiyong pahayag pangmadla ni Pastor Russell, presidente ng Watch Tower Bible and Tract Society. Ang mga tanong sa anunsiyong iyon ang pumukaw sa pananabik ni lolo, kaya ang pamilya ay humayo upang hanapin ang pagdarausan ng pahayag. Nakalulungkot at hindi nila natagpuan ang dakong iyon kaya’t umuwi sila na bigo. Subali’t itinanim na ni lolo sa kaniyang isip na suriin ang mga turo ng Watch Tower Society.
Ang kaniyang masigasig na paghahanap ng lohika at katotohanan ay nagbunga ng maglipat-siglo. Noon ay doon na sa Los Angeles, California nakatira ang pamilyang Toutjian, at isang araw ng Linggo noong 1901, nang sila’y nagdaraan sa isang simbahan, isang tract sa Bibliya ang iniabot sa kanila ng isang boluntaryong manggagawa ng Watch Tower Society. (Noong mga araw na iyon, ang isang bahagi ng pagpapatotoo ng mga manggagawa ng Watch Tower ay ang pamamahagi ng mga tract sa Bibliya sa mga nagsisimba pagkatapos ng serbisyo.) Ang sabi ni lolo pagkatapos sulyapan ang tract, “Ito’y gawa ni Pastor Russell.” Ito’y narinig pala ng boluntaryo, at mga ilang saglit pa’y hinabol niya ang pamilya at inanyayahan sila sa kanilang unang panggrupong pag-aaral sa Bibliya. Sila’y
nagpaunlak, dumalo sa pag-aaral, nakilala nila na iyon pala ang matagal na nilang hinahanap na katotohanan at sila’y nakiugnay sa Los Angeles Congregation na may 27 miyembro.Ano Kaya ang Dala ng 1914?
Ang dalawang saling-lahing iyon ng pamilyang Toutjian, ang aking mga magulang at ang aking mga nuno, ay may mga inaasahang mangyayari pagsapit ng taóng 1914. Sing-aga ng 1880, inilathala ng The Watch Tower ang petsang iyan bilang ang wakas ng “itinakdang mga panahon sa mga bansa,” o mga Panahong Gentil. (Lucas 21:24; ihambing ang Authorized Version.) Sa 1914 kaya magwawakas ang pamamahala ni Satanas at magsisimula naman ang malaon-nang-hinihintay na Milenyong Paghahari ni Kristo Jesus?
Habang palapit ang petsang iyan ay nagliwanag na ang mga inaasahan ng tao’y hindi laging nakakaisa ng orasan ni Jehova. Sa labas ng Enero 1, 1914, ganito ang sabi ng The Watch Tower: “Hindi kaya ng ating guniguni na ilarawan ang nagawa sa isang taon ng lahat ng waring ipinahihiwatig ng Kasulatan na dapat asahan bago magsimula ang Paghahari ng Kapayapaan.” Pagkatapos magkomento sa lalong malawak na posibilidad ng panghinaharap na paglilingkod, ganito ang ipinayo ng The Watch Tower: “Tayo’y maging lalong alerto, kung gayon, na magamit at pakinabangan sa paglilingkod sa ating Hari.”
Ganiyan ang tamang saloobin na inihaharap ng The Watch Tower sa kaniyang mga mambabasa. Magpakatatag, manatiling gising, maghintay kay Jehova at huwag hayaang ang labis na pagkabalisa sa paghihintay ang humubog ng iyong saloobin sa Diyos at sa paglilingkod sa kaniya. Ito ang punto-de-vista na sinunod ng mga miyembro ng aking pamilya at ng lahat ng mga tapat. Hindi nagtagal at natalos na ang petsa’y naipagbangong-puri sa pamamagitan ng katuparan ng hula. Ang bansa ay tumindig laban sa bansa, at ang mga pangyayari ng pambihirang taóng iyon ay naging “pasimula ng mga hapdi ng pagdurusa” sa sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:7, 8) Gayunman, ito’y nagsilbing pagsubok sa motibo at sa debosyon ng sinuman. Ang iba’y napakalaki ang inaasahan, sa napakadaling panahon. Nakalulungkot sabihin na hindi sila nakapasa sa pagsubok.
“Kagayang-kagaya ng Isang Magnanakaw”
Ang mga Kristiyano ay binabalaan ni apostol Pablo na darating ang paghuhukom 1 Tesalonica 5:2-6) Mauunawaan, kung gayon, na ang mapagbantay na mga Kristiyano sa ika-20 siglo ay sensitibo sa lahat ng mga pangyayari at ipinahihiwatig ng kronolohiya na maaaring nagpapakita ng pagkamalapit na ng “araw ni Jehova” gaya ng isang tao na umaasang darating sa kinagabihan ang isang magnanakaw, kaya’t ano mang maulinigan niyang kaluskos ay ipinangangahulugan niya na ebidensiya na naroroon na ang magnanakaw.
na araw ni Jehova nang di-inaasahan. Siya’y sumulat: “Kayo na rin ang nakakaalam na ang araw ni Jehova ay dumarating na kagayang-kagaya ng isang magnanakaw sa gabi. . . . Kung gayon, huwag tayong matulog na gaya ng mga iba at tayo’y manatiling gising at laging handa.” (Ang taóng 1925 ay umakay din sa mga lingkod ni Jehova na umasang may mga bagay na mangyayari. Naisip na ang isang siklo ng 70 tipikong mga Jubileo (70 X 50 taon) mula noong panahong pumasok ang Israel sa Lupang Pangako ay matatapos noong 1925 at magiging pasimula iyon ng antitipikong Jubileo, ang Milenyong Paghahari ni Kristo Jesus. Hindi lumabas na gayon.
Gayunman, natanto ng aming pamilya na ang di-natutupad na pag-asa ay karaniwan sa kaarawan natin. Ang mga apostol man ay may mga inaasahan noon na hindi naman nangyari. Kanilang inaasahan na sa pagkabuhay-muli ni Jesu-Kristo ay mapasauli ang bansang Israel sa kaniyang dating kaluwalhatian bilang piniling bayan ni Jehova sa ilalim ng pamamahalang teokratiko, at maibabagsak ang kapangyarihan ng mga Romano. Ang tanong nila kay Jesus: “Panginoon, isasauli mo ba ang kaharian sa Israel sa panahong ito ?” Ang kaniyang sagot: “Hindi para sa inyo ang makaalam ng mga panahon o mga bahagi ng panahon na itinakda ng Ama para sa kaniyang sariling kapamahalaan.” (Gawa 1:6, 7) Ang ganiyan ding mahalagang punto ang kumakapit sa ‘tapat na uring alipin’ ngayon. May pagkaalisto ito, kung minsan ay may labis na pananabik na makita ang pagwawakas ng balakyot na sistema ng sanlibutan—subali’t ang eksaktong panahon para sa katuparan ng mga pangyayari ay nasa kapamahalaan ni Jehova.—Mateo 24:34-36, 45-47.
Kailangan ang Pangunguna at Paglilingkod
Pagkatapos ng isang buhay na masagana at lipos ng gawain, si lolo ay namatay noong panahon ng Digmaang Pandaigdig II. Sa ganoo’y iniwan niya ang ikalawang saling-lahi ng mga Saksi ni Jehova, ang kaniyang mga lalaking anak na sina Shield at Robert (ang ama ko), at kanilang puspusang ipinahahayag ang pangangailangan na “manatiling gising, magpakatibay sa pananampalataya, magpakalalaki, magpakalakas.”—1 Corinto 16:13.
Ang aking tio, si Shield Toutjian, ay pumasok sa paglilingkurang pilgrim noong panahon ng Digmaang Pandaigdig I at hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1949 ay naglingkod siya bilang isang buong-panahong naglalakbay na kinatawan ng Watchtower Society, na kahalintulad ng isang tagapangasiwang pansirkito sa ngayon. May nakikilala pa rin akong marami na nakakaalaala pa sa kaniyang dinamiko at nakapagpapatibay-loob na personalidad at sa kaniyang tapat na paglilingkod sa mga kongregasyon sa 47 estado sa Estados Unidos.
Ipinayo ni Pablo sa mga Hebreo: “Alalahanin Hebreo 13:7) Si ama ay laging nangunguna sa amin dahil sa iniibig niya si Jehova at ang paglilingkod sa kaniya, lalo na ang pagbabahay-bahay. Sa mula’t-sapol ay nakilala niya ang pangangailangan ng pagkilos bilang mga tunay na pastol. Noong 1926 ay inirekomenda niya sa lupon ng matatanda sa Oakland, California ang paglilingkod sa larangan kung Linggo ng umaga, kaayon ng magandang halimbawa na ipinakita ng pamilyang Bethel sa Brooklyn. Nang manawagan ng mga ministrong payunir, siya’y tumugon sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang house trailer na nagsilbing tahanan niya nang sumunod na 19 na taon. Noong 1930 ay humayo siya upang mangaral sa mga ilang na teritoryo sa kabundukan ng Sierra Nevada sa hilagang California. Literal na iniwan niya ang lahat ng kaniyang makalupang mga ari-arian at hindi niya iniwala kailanman sa isip ang kahilingan ni Jehova na “bukud-tanging debosyon.” Siya’y namatay noong 1961.—Deuteronomio 4:24.
yaong mga nangunguna sa inyo.” (Kabilang ako sa ikatlong saling-lahi ng aming pamilya na nasa katotohanan, at tandang-tanda ko na noong pagsisimula ng 1940’s sumapit sa Europa ang totoong kalunus-lunos na mga sandali. Sa gayon, dahil sa sinalakay ng Hapon ang Pearl Harbor noong 1941, ang Estados Unidos ng Amerika ay sumangkot na sa digmaan. Dahilan sa isyu ng neutralidad Kristiyano ay pinag-usig ang mga Saksi ni Jehova sa buong daigdig. Maraming bansa ang nagbawal ng ating gawain. Dito sa Estados Unidos ay malimit na inaatake kami ng napopoot at “makabayan” na mga mang-uumog. Kaya’t ang akala namin noon ay hahantong ang digmaang iyon sa sukdulan, ang digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, ang Armagedon.—Apocalipsis 16:14-16.
Isang Malawak Pang Gawain ang Dapat Matapos
Tandang-tanda ko pa ang aming maapoy na paghihintay sa malaon nang hinihintay-hintay na pangyayari. Subali’t ang hindi nila nakikita ay ang higit pang katuparan ng inihula ni Jesus sa Mateo 24:14: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”
Mayroon pa ngang isang pambuong-daigdig na gawaing dapat matapos. Pasimula ng 1943 ang mga ministro sa lahat ng kongregasyon ay sinanay sa linggu-linggong Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro. At tuwing anim na buwan ang Watchtower Bible School of Gilead, na noo’y nasa New York State sa gawing itaas, ay nagsugo ng sinanay na mga misyonero sa malalayong lupain. Ang mga salita ni Jesus—tungkol sa pagpapatotoo “sa buong tinatahanang lupa”—ay nagkaroon ng lalong malawak na katuparan. At muling pinalawak namin ang aming punto-de-vista tungkol sa pambuong-lupang gawain na dapat tapusin, samantalang kami’y nananatiling nakakapit kay Jehova at sa kaniyang organisasyon sa pamamagitan ng ‘lahat ng anyo ng panalangin at pagsusumamo, na sa tuwina’y laging gising.’—Mabilis na lumipas ang panahon sa gayong malawak na gawain, at ang tanong ngayon ay, Ano ba ang dala ng 1970’s? Ang aking dalawang anak na lalaki, sina Duane at Jonathan, at ang aking anak na babae, si Carmel—ikaapat na saling-lahi na—ay nagsilalaki na at mayroon nang kani-kanilang pamilya. Inaasahan namin noon na ang 6,000 taon ng pag-iral ng tao ay sasapit noong 1975. Sa petsa kayang ito magsisimula ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo? Ang ganiyang posibilidad ang nakatawag ng aming pansin.
Ngayon ay nagugunita namin ang taon na iyon at natatalos na batay sa mga salita ni Jesus sa Mateo 24:36 ay hindi tayo dapat manghinuha ng isang tiyak na petsa para sa wakas na iyon. Sinabi niya: “Tungkol sa araw at oras na iyon ay walang nakakaalam na sinuman, maging ang mga anghel man sa langit o ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Gayunman, ang ikatlo at ikaapat na mga saling-lahi ay nanatiling gising sa pagbabantay sa mga tanda ng panahon, at sila’y nagkaroon ng “maraming gawa sa gawain ng Panginoon.” (1 Corinto 15:58) Si Duane, Jonathan, Matthew Leondis, na aking manugang na lalaki, at ako ay nagsisilbing hinirang na matatanda sa iba’t-ibang kongregasyon sa California. Sandaling panahon na si Jonathan ay nagtamasa ng pribilehiyo ng buong-panahong-paglilingkod bilang isang payunir at isang miyembro ng pamilyang Bethel sa punong tanggapan ng Watchtower Society.
Ang Wastong Saloobin sa Panahon ng Kawakasan
Kagaya rin ng mga Kristiyano noong unang siglo, tiyak na pinapayagan ni Jehova na ang kaniyang kasalukuyang mga lingkod ay magkaroon ng mga bagay na inaasahan at hinihintay. Sa pamamagitan nito’y nahahayag ang ating tunay na motibo at ang laki ng ating debosyon sa kaniya. Napaharap ang aming pamilya sa mga tanong na ganito, Tayo ba’y naglilingkod sa Diyos nang pansandalian lamang, sang-ayon sa ating pansariling mga kagustuhan lamang? Ang motibo ba natin ay ang magkamit lamang tayo ng dagling kagantihan? O tayo ba ay laging gising at aktibo, na nagtitiwala na tutuparin ni Jehova ang kaniyang mga pangako?—Tito 1:2.
Dalawang saling-lahi ng aming pamilya, si itay at si lolo, ang nangamatay na pagkatapos ng pagtatamasa ng kasiya-siya at maligayang buhay. Ang natitira’y tatlong saling-lahi: ang aking mga apo, ang aking mga anak at ako. Ngayon ang aking anim na mga apo ay naglilingkod kay Jehova, nagsasamantala ng mga pagkakataon at tumatanggap ng mga pananagutan sa kongregasyon at sa ministeryo sa larangan samantalang hinihintay-hintay nila ang wakas at ang isasauling makalupang Paraiso na kasunod. Kaming lahat ay nagtitiwala na ang malaon nang hinihintay na sandali ay darating sa takdang panahon ni Jehova. Maikakapit natin ang payo ni propeta Habacuc, “Laging hintayin iyon; sapagka’t walang pagkabisala na darating. Hindi maaantala.”—Habacuc 2:3.
Ngayon, na ako’y mayroon nang 73 anyos, nakalilingon ako sa nakalipas na taglay ang mga gintong alaala ng pakikisama ko sa organisasyon ni Jehova. Nagugunita ko pa rin ang malungkot na alaala ng aking kabataan, nang si Brother Russell ay nakatayo sa isang bukas na kotseng pangbiyahe, kumakaway pa sa San Francisco Congregation samantalang paalis upang sumakay sa isang tren papuntang Los Angeles upang magpahayag doon ng magsisilbing huling pahayag niya. Nananariwa pa rin ang mga ilang alaala—ang pagpapayunir sa mga ilang na teritoryo noong 1930’s, ang maraming kombensiyon at mga asamblea, lalo na yaong sa Columbus, Ohio, noong 1931, nang tanggapin natin ang pangalang mga Saksi ni Jehova.—Natatalos ko na ito ang panahon upang lumakad tayo na kaalinsabay ng ‘tapat na uring alipin’ ni Jehova. Tiyak na, higit kailanman, ngayon tayo kailangang manatiling gising, alisto, na hindi kinalilimutang si Jehova ay karapat-dapat sa tapat na paglilingkod at sa papuri mayroon man o wala ng kagantihan sa bandang huli. Bakit? Sapagka’t siya ang bukal ng lahat ng mabubuting bagay—ang mismong buhay natin, ang ating pag-asa sa hinaharap. Anong gandang kinabukasan iyon—ang isinauling Paraiso ng kapayapaan, kalusugan at kaligayahan, ang pagkabuhay-muli (pagka ang ating mga mahal sa buhay ay binuhay-muli na at muli tayong magkasama-sama), at nagtatamasa ng buhay na walang hanggang na taglay ang maluwalhating kaugnayan sa ating Ama sa langit!—Apocalipsis 4:11; Lucas 23:43.
[Larawan sa pahina 24]
Si Herald Toutjian sa mabundok na teritoryo sa California noong 1930’s. Pansinin ang lalagyan na kinasisidlan ng nakadispley na mga aklat-aralan sa Bibliya
[Larawan sa pahina 25]
Sinagot ng aming pamilya ang panawagan para sa mga ministrong payunir, kaya itinayo at maraming taon na ginamit ang ‘house trailer’ na ito
[Larawan sa pahina 27]
Si Herald Toutjian kasama ang apat na mga saling-lahi ng kaniyang pamilya