Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
◼ Si Jesus ba ang “Diyos” na tinutukoy sa Hebreo 1:8?
Hindi. Ipinakikita ng katibayan na ang tinutukoy ay si Jehova. Ayon sa New World Translation, “Nguni’t tungkol sa Anak ay sinasabi: sinasabi ng Hebreo 1:8: ‘Ang Diyos ang trono mo [ng Anak] magpakailan-kailanman.’” Ipinakikita nito na ang trono ni Jesus, ang kaniyang katungkulan o kapangyarihan bilang soberano, ay nanggaling kay Jehova na Makapangyarihan-sa-lahat.
Datapuwa’t, ang ginagamit ng mga naniniwala sa Trinidad ay ang Authorized Version, o King James Version, na ganito ang pagkasalin sa Hebreo 1:3: “Subali’t sa Anak ay kaniyang sinabi, Ang trono mo, Oh Diyos, ay magpakailan-kailan man.” Inaakala nilang ipinakikita nito na si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Bakit ito mali?
Una, pansinin ang konteksto. Sa maraming salin, maging sa mismong teksto man o yaong nasa gilid, sa Hebreo 1:9 ay mababasa, “Ang Diyos, ang Diyos mo, ang nagpahid sa iyo.” Maliwanag na ang tinutukoy sa talatang otso ay yaong isa na sumasamba sa Diyos at pinahiran niya.
Ikalawa, pansinin na ang Hebreo 1:8, 9, ay sinipi buhat sa Awit 45:6, 7, na noong una ay tumutukoy sa isang tao na hari sa Israel. Tiyak na ang sumulat ng awit na ito ay hindi nag-akala na ang binanggit na haring ito ay ang Diyos na liham sa mga Hebreo ay hindi nag-akalang si Jesus ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat. Tungkol dito, ang iskolar na si B. F. Westcott ay nagsabi: “Talagang hindi maaari na ang [‘Elohim’, “Diyos”] sa orihinal ay tumutukoy sa hari. . . . Samakatuwid ay pinakamagaling na gamitin sa unang sugnay ang saling: “Ang Diyos ang Iyong trono (o, Ang Iyong trono ay ang Diyos), samakatuwid baga ‘Ang iyong kaharian ay nakasalig sa Diyos.’”
Samakatuwid, may mabuting dahilan ang New World Translation at ang iba pang mga salin sa pagsasalin sa Hebreo 1:8 na, “Ang Diyos ang trono mo.” (Tingnan ang An American Translation, Moffat; gayundin ang panggilid na babasahin sa American Standard Version, Revised Standard Version at The New English Bible.) Nililiwanag nito na ang “Anak,” si Jesu-Kristo, ay mayroong Diyos na mas mataas kaysa kaniya.
◼ Sa talinghaga ni Jesus ng trigo sa gitna ng mga pansirang damo, kasali ba sa mga “pansirang damo” yaong naging mga apostata kamakailan lamang?
Hindi, sapagka’t sa mahigpit na pagkakapit ng salitang iyan ay hindi sila mga “pansirang damo.”
Ang ilustrasyong ito at ang paliwanag dito ni Jesus ay matatagpuan sa Mateo 13:24-30, 37-43. Sa “bukid,” na iyon ang sanlibutan, inihasik ng “Anak ng tao” ang “mabuting binhi,” na kumakatawan sa “mga anak ng kaharian,” ang tunay na pinahirang mga Kristiyano. Pagkatapos ay naghasik ang Diyablo ng mga “pansirang damo” na baka sa tingin ay “trigo,” nguni’t ang totoo’y “mga anak ng isang balakyot,” maliwanag na ito’y mga huwad na Kristiyano na umiiral na kasabay ng tulad-trigong mga tunay na Kristiyano. Ito’y umunlad lalung-lalo na pagkamatay ng mga apostol. (2 Tesalonica 2:6, 7) Sa paglakad ng daan-daang mga taon marami ang nag-aangkin na sila’y mga Kristiyano, kasali ang mga klerigo na nagkakalat ng mga kabulaanang turo.
Sinabi ni Jesus na sa panahon ng pag-aani, na “katapusan ng isang sistema ng mga bagay,” ang mga “pansirang damo” ay titipunin at “susunugin sa apoy.” Baka isipin ng iba na ang ilang mga tao na naging mga apostata ay mga “pansirang damo” na tinitipon. Hindi sinabi ni Jesus na ang mga “pansirang damo” ay dating “trigo at naging masama. Sila’y itinanim na mga “pansirang damo” at nanatiling gayon, kasuwato ng henetikong alituntunin na ang halaman ay dumarami “ayon sa kaniyang sariling uri.” (Genesis 1:11, 12) Sa pagbanggit sa mga “pansirang damo” ang tinutukoy ni Jesus ay isang natatanging uri ng huwad na mga Kristiyano na magsisilitaw. Ang tinutukoy niya ay hindi mga indibiduwal sa uring “trigo” na baka magpakasama, at maging gaya ng bulok na mga tangkay ng trigo.
Ang mga apostata noong kaarawan ng mga apostol at ang kanilang mga katumbas ngayon ay hindi tinutukoy na mga “pansirang damo.” Nguni’t ipinakikita ng Bibliya na ang ganiyang mga apostata ay “hindi natin kauri,” sila’y hindi kinalulugdan ng Diyos at kailangang iwasan ng mga tapat na Kristiyano. Ang mga nagiging apostata at hindi nagsisisi bago magwakas ang sistemang ito ng mga bagay ay mapaparamay sa mga “pansirang damo,” na lilipuling lubusan.—Tito 3:10; 1 Juan 2:18, 19,: 2 Juan 9-11.