“Huwag Mong Iurong ang Iyong Kamay”
“Huwag Mong Iurong ang Iyong Kamay”
Bilang pagsunod sa utos ni Jesu-Kristo na ipangaral “ang mabuting balitang ito ng kaharian,” ang mga Saksi ni Jehova ay regular na dumadalaw sa kanilang kapuwa. (Mateo 24:14) Ang iba’y nakikinig at tumatanggap sa balita ng Kaharian. Ang iba naman ay tamatanggi. Gayunman, ang Eclesiastes 11:6 ay nagpapayo: “Ihasik mo sa umaga ang iyong binhi at hanggang sa hapon ay huwag mong iuurong ang iyong kamay; sapagka’t hindi mo nalalaman kung alin ang tutubo, kung ito o yaon, o kung kapuwa sila magiging mabuti.”
Mabuti ang baka maging resulta ng palagiang paghahasik ng binhi ng Kaharian sa ministeryo ng pagbabahay-bahay. Halimhawa, isang babaing tagasiyudad ng Hamilton sa Canada ang lumipat sa Minneapolis, Minnesota, sa Estados Unidos. Doon ay natagpuan siya ng mga Saksi ni Jehova nang ang mga ito’y nangangaral sa bahay-hahay. Ganito ang binanggit niya sa sulat:
Sa mga Kapatid sa Hamilton:
Ito’y isang bukás na liham sa lahat ng nangangaral sa Hamilton. Noong nakalipas na mga taon ay nakilala ko ang marami sa inyo sa inyong pangangaral. Sa aking buhay ay naghasik kayo ng maraming binhi at pinasasalamatan ko kayong lahat. Nang ako’y lumipat sa Minneapolis, may isang taon na ngayon, dalawa pong Saksi ang naparoon sa aming bahay. Noon ay handa na ako. Napag-alaman ko na sa mga araw ng inyong paglilingkod ay maaaring masiraan kayo ng loob, kaya naman ibig kong malaman ninyo na inyong napukaw ang kaloobon ng kahit na lamang isang tupa. Kayo’y tumulong ng paglalatag ng pundasyon na maaaring pagtayuan ng iba. Ako’y inaaralan ng Bibliya makalawa sa isang linggo, pero malayo pa ang dapat kong lakarin.
Masasabi ko na ngayon na may layunin na ako sa buhay na dati ay wala.
Salamat sa inyong lahat.
Laurie M.