Kailangan ang Karunungan
Kailangan ang Karunungan
”Umiiral ang kaalaman, subali’t hindi ito laging may kasamang karunungan. Batid natin na kakilakilabot ang mga digmaan, subali’t ang sangkatauhan ay nagpapatuloy sa baliw na pagpapaligsahan tungo sa paglilipulan.” Ganiyan ang isinulat ni Agustin Saavedra Weise sa isang editoryal sa El Diario ng La Paz, Bolivia.
Ikinalulungkot ni Señor Weise na bagaman ang ika-20 siglo “ay nagpasok ng maraming kaalaman ng tao sa lahat ng pitak ng siyensiya, teknolohiya, medisina, paghahanda sa giyera, literatura, arkitektura, abp.,” ito’y walang kasamang maihahambing na progreso sa karunungan. Ang resulta? “Sa buong nakalipas na mga taon ay nasaksihan natin ang pinakamalupit at makahayop na anyo ng paniniil, lansakang paglilipulan at karahasan,“ ang sabi ni Weise.
Subali’t bakit sa kabila ng lahat ng kaalamang ito sa sanlibutan ay may kakapusan sa kaalaman? Sapagka’t itinakuwil ng mga tao si Jehova at sila’y bumaling sa siyensiya, salapi, kalayawan at iba pang panghaliling “mga diyos.” Kanila ngang tinalikdan ang Bukal ng tunay na karunungan. Oo, pagka tinanggihan ng mga tao ang salita ng Diyos, “anong karunungan mayroon sila?”—Jeremias 8:9.