Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
◼ Ang aking kaibigan ay nakunan. Isa rin po akong babae kung kaya nakikiramay ako sa kaniya, subali’t angkop po ba na patibayin-loob siya na maglagak ng pag-asa sa pagkabuhay-muli?
Tiyak na malaking kabutihan ang magagawa mo sa pagbibigay sa kaniya ng kaaliwan at mapagmahal na tulong bilang Kristiyano. Subali’t ang Bibliya’y hindi nagbibigay ng batayan upang umasa sa pagkabuhay muli ng embryo o bilig. Pag-usapan natin kung bakit.
Pagka naglihi ang isang babae, mayroon lamang siyang iisang selula, isang pertilisadong itlog. Karaniwan, sa loob ng anim na buwan ang selulang iyan ay naghahati at napapaloob sa kaniyang bahaybata, ang binhing iyon ay nabubuo sa isang sanggol, at sa wakas ay isinisilang. Pagka nakunan ang ina ay napapahinto ang likas na pagkabuong ito, at natatapos ang buhay na nagpasimula na at dapat sanang umunlad hanggang sa maging isang ganap na tao. Kung ang binhi’y pinalaglag, labag iyan sa kabanalan ng buhay at sa utos ng Diyos na huwag kang papatay.—Exodo 20:13: 21:22, 23; Bilang 35:16-18; 1 Pedro 4:15.
Alam ng ating Tagapagbigay-Buhay na may buhay na sumisibol doon sa bahaybata, gaya ng mapapatunayan natin sa sinasabi ng Bibliya tungkol sa asawa ni Jesse na nagdadalangtao at nagsilang ng sanggol na pinanganlang David. (Awit 139:13-16; ihambing ang Job 31:15.) Subali’t, ano ba ang posibilidad ng pagkabuhay-muli sa kaso ng mga binhing lumaglag dahilan sa nakunan ang mga ina o ng mga sanggol na patay na nang ipanganak ng ina?
Kinikilala sa Bibliya na ang fetus a bilig ay maaaring mamatay. Ang resulta nito ay ang kusang paglaglag, a nakukunan ang ina, o patay na ipinanganganak ang bata.—Genesis 31:38; Exodo 23:26; 2 Hari 2:19-21: Job 21:10; Awit 58:8; 144:14.
Si Job ay bumanggit ng sarisaring paraan ng pagkalaglag ng ipinaglilihing sanggol, na inaakala niyang mas mabuti pa para sa kaniya kaysa dinaranas niya noon na kahirapan. Sana raw ay “nalagas“ na siya, tulad “sana ng sanggol na kailanman ay hindi nakakita ng liwanag.” (Job 3:16) Maaaring tumutukoy ito sa isang babaing nakunan bagaman hindi pa niya batid na siya’y nagdadalangtao at samantalang ang binhi ay hindi pa maaaring mabuhay. Sinabi ng The Body Machine: “Maraming ova [pertilisadong mga itlog] ang hindi nabubuo sa normal na paraan, mas marami ang gayon kaysa hindi. Mga diyes porciento ang hindi tumutuloy at sa mga tumutuloy naman ay kalahati ang kusang lumalaglag, karaniwan na ay hindi namamalayan ng ina.”
Sinabi rin ni Job na kung ’tinakpan sana ang mga pinto ng bahaybata ng kaniyang ina, disin sana’y napakubli siya buhat sa kabagabagan.’ Sa ganoo’y hindi na sana siya dumanas ng paghihirap kung siya’y’namatay na sa bahaybata pa lamang’ o “in the womb.” (Job 3:10. 11, New World Translation of the Holy Scriptures; Rotherham) Kung minsan ito’y nangyayari dahilan sa malubhang depekto ng embryo a bilig. O baka dahil sa diperensiya ng ina sa kaniyang mga sangkap sa pag-aanak, kakapusan sa mga bitamina, hormon o oksihena; o may sakit ang ina.
Sa kaniyang paghihirap ay naisip ni Job na mas magaling pa marahil kung siya’y napasa binanggit na mga kalagayan. Gayunman ay ipagdadalamhati iyon ng kaniyang ina, gaya rin ng mga babae ngayon pagka sila’y nakunan o nanganak ng patay na sanggol dahil sa minanang di-kasakdalan. Sa pagbanggit ng mga posibilidad na iyan, hindi sinabi ni Job na siya’y mapapasa-hanay ng mga bubuhaying-muli. Ang kabutihan, ayon sa palagay niya, ay na hindi na siya makakaranas ng kabagabagan.
May binanggit si Job na isa pang maaaring mangyari: “Bakit hindi pa ako naipanganak saka namatay?“ (Job 3:11) Kung, gaya ng nangyayari kung minsan, si Job ay naipanganak at saka namatay, marahil kahit na bago nakasuso, ano kaya ang maging kinabukasan niya? Hindi niya tinalakay iyan sa konteksto. Subali’t sa bandang huli ay ipinakita niya na kung pagkatapos mamuhay bilang isang tao’y namatay siya at nagtungo sa Sheol, malamang na ang Diyos ay ’magtatakda ng panahon at aalalahanin siya.’ Ang ating Tagapagbigay-Buhay ‘ay tatawag at si Job naman ay sasagot.’ Si Job ay bubuhayin.—Job 14:13-15.
Kasuwato ito ng kaalaman natin sa Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli sa halimbawa ng mga binuhay-muli. Sila’y binuhay-muli bilang mga indibiduwal nang sila’y mamatay. Samakatuwid nga, ang mga bata na nangamatay ay binuhay na mga bata rin, ang matatanda ay matatanda rin. (2 Hari 4:17-20, 32-37: Lucas 7:12-15; 8:40-42, 49-55; Juan 11:38-44) Makatuwiran kayang isipin na kung si Job ay “nalagas” o dumanas ng “hidden miscarriage“ (NW), ang pagkaliit-liit na binhing iyon ay ibabalik sa bahaybata ng kaniyang ina upang patuloy na mabuo nang hindi man lamang namamalayan ng ina? Hindi kaayon iyan ng ipinakikita ng Bibliya tungkol sa pagkabuhay-muli, na mga taong isinilang na at umiral na sa harap ng Diyos ang ibinabalik sa buhay.—Juan 5:28, 29; Gawa 24:15.
Kumusta naman kung ang embryo ay naging isang fetus o halos mabuo na nga? Maraming posibleng mga kalagayan. Hindi mabuti na humaka, sapagka’t napakaraming bunga ng di-kasakdalan na dinaranas natin ngayon. Sa isasauling Paraiso babaligtarin ng ating maibiging Ama sa langit ang makasalanang kalagayan ng tao at magpapaulan ng mga pagpapala. Maraming tao ang bubuhayin. Kung paano gaganapin ang pagkabuhay-muli, iyan ay nakasalalay kay Jehova at kay Jesus. Matitiyak natin na mababanaag sa pasiya ang sakdal na karunungan at katarungan ni Jehova.
Tiyakang sinabi ni Elihu kay Job: “Malayo na ang tunay na Diyos ay gumawa ng kabalakyutan, at na kumilos nang walang katarungan! Sapagka’t ayon sa ikinikilos ng makalupang tao kaniyang gagantihin siya . . . Oo, sa katotohanan, ang Diyos ay hindi gumagawa ng kabalakyutan.” (Job 34:10-12) Lahat tayo, pati mga mag-asawang nalaglagan ng anak o ipanganak na patay ang kanilang anak, ay maaaliw sa pagkaalam na “mabait at matuwid si Jehova.”—Awit 25:8.